C I N D Y
His back, but why?! ✨
I looked at the boy who almost put me in an accident. Mukhang nahihiya na siya sa walang tigil na paninirmon sa kaniya ni Trisha. Halata sa mga mata nito ang pagsisisi na tila ba'y nangungusap na tama na ang pagpapahiya sa kaniya. Ngunit sa aking palagay ay hindi ito nababasa ni Trisha, patuloy pa rin ito sa pagdakdak ng kung ano-ano sa binata.
Sa aking pagkawili sa pagbabasa ng ekspresyon sa mukha ng lalaki ay biglang sumigay nang napakalakas si Trisha at sinabing, “Kuyang pogi at may kissable lips! Salamat po sa pagsagip sa kaibigan ko!”
Agad nitong napukaw ang atensyon ko kaya akin siyang pinagmasdan. She's smiling brightly like a sun with a little bit of enigmatic in the end. I really don't know what is she's thinking but one thing is for sure, there's a huge reason when she add an enigmatic smile.
Trisha didn't received any gasp, words or anything as a return of complementing him. Mukhang makakahanap na si Trisha ng katunggali sa larangan ng ugali.
Dahil likas ang kakulitan na ugali nito ay agad itong tumakbo. Ganito si Trisha, hindi titigilan ang tao hangga't hindi niya nakukuha ang kaniyang gusto. When she run, she was like born with a solemn soul of pure energy, one that glows all the brighter when running upon these sacred paths.
“Kuya, wait lang! Matanong kita, anong pangalan mo?” wika ni Trisha na ngayo'y nasa harapan na ng lalaking sumagip sa akin. Gaya no'ng una ay nagpatuloy lang ulit ito sa paglalakad ngunit sadyang makulit si Trisha kaya ito'y biglang sumuko at sinabi ang kaniyang ngalan.
“Ako si Dave, kinagagalak kitang makilala. Ngayon, maaari na ba akong umalis?” wika naman nito. Agad na tumango si Trisha at tuluyang lumapit sa akin.
Halos kilig at kaba ang aking naramdaman nang mapag-alamang andito si Kuya Dave. Pero papaano? Sabi niya susundan niya ang babaeng mahal na mahal niya. Ibig bang sabihin no'n ay maaaring naririto ang babaeng iyon o masyado lamang akong nagpapadala sa pagkaka-miss ko sa kaniya?
“Best! Tara na!” pagpupukaw ng atensyon sa akin ni Trisha na ngayo'y labis-labis ang saya na nakakapit sa akin.
“Ano, best, ok lang ba yung pag-iinarte ko? P'wede na ba akong maging isang artista?” Makulit na pagtatanong nito sa akin.
Kung maaari lang sabihin na hindi dahil kaawa-awa ang lalaking pinagsabihan niya kanina ngunit baka sabihan din naman niya na isa akong walang pakeng kaibigan.
“Oo naman, best! Ikaw pa ba? Ang galing galing mo pa ngang best-actress, lalo na no'ng hinabol mo siya at pinigilan,” pagsisinungaling na wika ko. Sorry po agad, Lord!
“Pero alam mo. Sobrang salamat talaga sa pagligtas mo sa akin sa katang*han kong iyon, ah!” sincere kong sabi habang nakatungo at patuloy na naglalakad sa isang mahabang pasilyo na sa aking tansya ay pasilyo kung saan kami mamamalagi ng buong semestro.
“Okay lang iyon, ano ka ba? Tsaka salamat din kasi dahil sa iyo magkakajowa na ako!” Tili nang tili niyang wika sa akin.
“Huh?” wika ko sa kaniya.
Jowa? Bakit anong ginawa ko?
“Wala, pero dahil sa iyo, nakilala ko ang magiging future jowa ko. And his name is Dave, kyah!” Mas lalong lumakas ang tili niya na nasamahan pa nang mahihinang padyak.
Ang lalaking tumulong sa akin? Pero papaano kung ang Dave na iyon ay ang Dave na gusto ko rin? Papaano kung gano'n? Pero impossible naman, diba? Impossibleng sundan niya ako rito. Dahil paniguradong wala naman dito ang babaeng gusto niya.
BINABASA MO ANG
A Yellow Flower with A Red Tip #Mus-alomlynAward20
Teen FictionIn a room full of lies, they thought running away from the past would hide their deceitful secret. *** Cindy Perez is a joyous person who loved her family dearly, especially her twin, Catherine. She never wanted to be a disobedient daughter nor the...