C I N D Y
Pagbabawal . . .
Hindi na, Cindy. Masyado na itong sobra. Umalis ka na sa paaralang iyon!
"Trisha! Tulungan mo ako! Hindi ko na kaya . . ." saad ko habang pilit na inaabot ang kamay ni Trisha.
"Cindy, anak. Gumising ka!" Rinig kong isang tinig na naging pamilyar sa aking isip.
Si Mommy!
Hinayaan ko ang aking sarili upang imulat ang aking mga mata. Napadaing ako sa ilang mga sakit na aking naramdaman pagkatapos kong dumilat.
"Anak! Mabuti at nagising ka na. Labis mo kaming pinag-alala sa nangyari sa iyo." Nag-aalalang tinig ni Mommy.
"Asan po si Trisha? Nakita n'yo ba po siya?" Mas nag-aalala ako kay Trisha. Hindi ko kasi alam kung na nanaginip ako no'ng marinig kong ipaghihiganti niya ako at humanda sila.
"Nandito kanina si Trisha, baby. Umalis lang daw saglit upang kausapin si Dean patungkol sa nangyari sa iyo," sagot nito sa aking tanong.
"Ayos lang po ba siya? Wala po ba siyang sugat na natamo?" tanong ko pa ulit dito. Gusto ko talagang kumpirmahin na mali ang narinig ko ng mga panahong iyon.
"Anak, huwag ka nang mag-alala kay Trisha. Kaya niya na ang sarili niya. Tsaka 'di ba? May tiwala ka naman sa kaniya. Sarili mo muna ang intindihin mo sa ngayon. Kailangan mong magpahinga." Pagpapaalala nito sa akin.
"Pero, Mommy!" May sasabihin pa sana ako ng biglang sumabat si Daddy.
"Tama ang Mommy mo, baby. Kailangan mo muna magpagaling. Look at yourself, you look like a punching bag! That's why we don't want you to stay away from us. Puro kalbaryo lamang ang matatamo mo kung aalis ka sa puder namin." Alam kong nag-aalala sila pero hindi ba't parang hindi naman tama ang manatili sa kanila kahit na may isip at may kakayahan na rin akong makapag-isip ng sariling kong desisyon at makapag-aral.
"Daddy, please! We already have talked about this. Akala ko po ba tapos na? Nakapag-aral naman na po ako sa Stanford and I'm doing well naman po. It's just that I can't stay away from does people who wants to hurt me. Kilala n'yo naman po ako, Dad. Hindi n'yo po ako pinalaking pala-away."
"I know, I know. But, hindi mo naman maiaalis sa amin na nag-aalala kami sa sitwasyon mo. Tingnan mo ang sarili mo, paano kung higit pa rito ang nangyari sa iyo? Sa tingin mo ba hahayaan ka naming masaktan ng Mommy mo?!" Napataas siya ng boses sa pagka-usap sa akin.
My Dad has a point. Gusto lang naman nilang mapabuti ako pero minamasama ko pa. Hayst! Basta kahit anong mangyari, hindi ko i-gi-give up ang pinaghirapan kong scholarship.
"Hindi po. Pero gusto ko pa rin pong mag-aral." May paninindigan kong saad.
"Hindi na, Cindy. Masyado na itong sobra. Umalis ka na sa paaralang iyon." Boses ni Mommy na pa-ulit-ulit umalingawngaw sa buong kuwarto.
Hindi! Hindi maaari!
Hindi iyon, puwede!
"Mommy naman!" Mapagmaktol kong saad.
"No! hindi na gagana iyan sa akin, Cindy. This situation is already off limits! Hindi ko na hahayaan pang mangyari ito." Maotoridad na wika ni Mommy.
She's kind- and warm-hearted person. Pero kapag sinagad na talaga ang pasensiyang meron siya, hindi na iyon mababago.
Sana may magawa pa ako . . .
BINABASA MO ANG
A Yellow Flower with A Red Tip #Mus-alomlynAward20
Novela JuvenilIn a room full of lies, they thought running away from the past would hide their deceitful secret. *** Cindy Perez is a joyous person who loved her family dearly, especially her twin, Catherine. She never wanted to be a disobedient daughter nor the...