C I N D Y
Bakit nagbago?! ✨
While we're on the way to our destination, kaparehas ng dati ang namutawi sa aking pakiramdam. Sabik at galak ang laging nangingibabaw sa akin, minsan nga sumasagi na rin sa aking isipan kung anong possibleng mangyari sa aking pamamalagi doon.
Exhilaration comes as inner sunshine to brighten up my eyes and my soul. It is like a spark-plugs roaring my engines into the mutter of expectancy.
“Oh, anak bakit tila tahimik ka riyan?” wika ni Daddy habang nakasilip sa salamin na nagbibigay ng repleksyon sa naka-upo sa dulong bahagi ng kotse.
“May iniisip lang po, Daddy,” sagot ko sabay tingin muli sa aming dinaraanan.
“Ano naman ang iniisip mo, baby?” sabat naman ni Mommy.
“Wala naman po, Mommy,” sagot ko.
Pagkasagot ko no'n, tahimik ang namutawi sa buong biyahe. Walang nagsalita, tanging ingay lang mula sa mga sasakyan at kumpas ng hangin lamang ang maririnig sa buong biyahe.
“Bakit nga ba ako ganito?” tanong ko sa aking sarili.
Hindi ba't dapat kinakausap ko sila dahil ito na ang pinakahuling sandali na makakasama ko sila? Pero bakit wala ako sa mood?
“Hayst, buhay nga naman.” Hindi ko alam na napalakas pala ang aking pagsabi nang mga katagang iyon.
“Anak, sa buhay kailangan talagang may magsakripisyo para sa ikabubuti ng mahal mo sa buhay,” makabuluhang wika ni Daddy sa akin.
“Po? Ano pong ibig n'yong sabihin?” naguguluhang wika ko sabay titig sa kanila nang seryoso.
“Gano'n naman talaga, baby. Ang buhay ay talaga namang maihahalintulad sa isang maamong kuting na inabando ng kaniyang ina sa kadahilanang mas maikakabubuti nito ang malayo rito kaysa makasama siya,” mas lalong malalim na wika ng aking ina.
There is a sullen and ominous silence consume to my tenebrous and passionate soul; I am breezy fall leaves under chilly still white and sparkling frost. I feel the coldness in my sanguinary blood, the coldness brings the synapses of my brain to a stand still. Part of it is an agonizing pain, yet one I can endure, one I can sleep through night after night without the hysterical anaesthesia of false hope. This is my winter; I wait for fecund spring and the chattering of the birds.
After nimble acceleration, I heard Daddy said that, “Narito na tayo!”
When we arrived at our destination, my eyes sparkle with joy and admiration with the skin a wrinkled around and under them, breathing quicken and my luscious red-rosy plump lips drawn a little grin.
I'm jolt when I felt someone embraced me warmly, Mahigpit na yakap ang nadama ko mula sa isang tao na hindi ko alam kung sino. Ang mahigpit na yakap na aking nararamdaman ay naghatid sa akin ng saya, sayang hindi ko inakala. Yakap na nagpapadama ng isang nag-aalab na pagmamahal. At higpit na akala mo'y hindi kami nagkita ng matagal.
Ako'y lumingon upang siya'y tignan. Gulat ang namutawi sa aking makinis na labi. Kaniyang mga matang mapupungay ang lalo mas nagparamdam sa akin nang kagalakan. Siya'y aking tuluyan nasilayan, at ito'y walang iba kun'di ang matalik kong kaibigan na si Trisha.
“Hi, best! Namiss mo ba ako?” bungad na tanong niya sa tonong may kagalakan.
“Akala ko naman kung sino,” wika ko sa aking sarili. Gaya nang nakagawian, puro kuwento na naman ang bungad nito sa akin. Sa tuwing tinatanong niya ako, tanging ngiti at tango lamang ang sinasagot ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
A Yellow Flower with A Red Tip #Mus-alomlynAward20
Teen FictionIn a room full of lies, they thought running away from the past would hide their deceitful secret. *** Cindy Perez is a joyous person who loved her family dearly, especially her twin, Catherine. She never wanted to be a disobedient daughter nor the...