C I N D Y
The Origami!
"Tila ba'y isa itong sirang plakang pa-ulit-ulit dumadaan sa aking utak. Ngayo'y naaalala ko na ang lahat bago tuluyang sumakit ang ulo ko. Naaalala ko rin ang bawat hikbi at pag-iyak niyang kumakawala habang sinasabi ang mga salitang ito."
"Argh! Ang sakit ng ulo ko," saad ko.
"Cindy! Cindy! Wake up!" Rinig kong sigaw ni Trisha.
Tama ba ang naririnig ko na ang tinig na iyon ay nang gagaling kay Trisha?
"Cindy, please! I'm begging you! Gumising ka na." Rinig ko pang pagmamakaawa nito.
Ano bang nangyayari sa akin? Naisin ko mang sabihan si Trisha na nandito ako, gising, at nakikita siya. Ngunit hindi ko magawa. Lord, hindi ko po alam ang nagawa ko ngunit gusto ko pang mabuhay.
"Cindy, please! Wake up na! Baka mag-alala pa sila Tito at Tita sa iyo. At pauwiin sa inyo na hinding-hindi ko papayagan kaya gumising ka na riyan.
"Andami mo pang ipapaliwanag sa aking babae ka. Tignan lang natin kung hindi ka pa gigising sa gagawin ko sa iyo." Makahulugang saad nito at biglang umalis sa pagkakadagan sa aking higaan.
Sana sa gagawin mong iyan ay makabalik na ako sa ulirat.
Hindi ko mabilang kung ilang segundo siyang umalis sa harapan ko. Hanggang sa naramdaman ko na lang ang lamig na bumuhos sa aking katawan rason upang mapabalukwas ako sa aking hinihigaan.
"Best naman!" bungad ko.
Sino ba naman ang matutuwa sa ginawa niya. Sabuyan ka ba naman ng malamig na tubig sa mukha, hindi lang isa, ha! Kung hindi limang tabo ng malamig na tubig! Kailangan ko pa tuloy patuyuin ang foam at palitan ng panibago ang bed sheet dahil sa basang-basa.
"Salamat naman sa Diyos at nagising ka ring babae ka!" Tuwang-tuwa nitong saad sa akin na nagpapawi ng aking nararamdamang inis buhat nang ginawa niya kanina."Salamat, best! Akala ko talaga mawawala na ako. Salamat din kay Lord na dininig ang panalangin ko." Labis na tuwa kong saad. Talaga namang nagpapasalamat ako sa lahat-lahat na ibinigay niya.
"Kamusta ang pakiramdam mo? Ayos ka lang ba? May nanakit ba sa iyo kagabi?" Sunod-sunod na tanong sa akin ni Trisha.
"Ayos lang ako. Walang nangyari sa aking hindi maganda, okay? Ikaw kumain ka na ba?" Pag-iiba ko ng usapan.
"Seryoso ka talaga riyan sa tanong mo? Really, Cindy? After what happen to you last night, kumain ka na lang ang itatanong mo?" Hindi makapaniwalang saad nito sa akin.
May mali ba sa tanong ko?
"Huwag mong sabihing wala kang alam at hindi mo matandaan." Nagtatakang saad nito sa akin na ikinatango ko naman.
"Sigurado ka? Kaya mo bang alalahanin ang nangyari sa iyo kagabi?" Interesadong saad niya.
"Sige." Simpleng saad ko.
"Tutulungan na lang kitang maalala. Gamitin mo ang mga tanong kong ito. Bakit hindi mo maalala ang nangyari? Anong nangyari sa iyo no'ng naghiwalay kayo ni Theo? Bakit ka nawalan ng malay? Ano ang nangyari sa iyo sa cr na iyon?" Sunod-sunod nitong tanong sa akin.
"Wala. Wala talaga akong maalala sa mga sinasabi mo. Ang huli lang na natatandaan ko ay-" Napatigil ako bigla nang maalala lahat lalong-lalo na kung papaano lumuha ang lalaki sa aking harapan ng gabing iyon.
BINABASA MO ANG
A Yellow Flower with A Red Tip #Mus-alomlynAward20
Teen FictionIn a room full of lies, they thought running away from the past would hide their deceitful secret. *** Cindy Perez is a joyous person who loved her family dearly, especially her twin, Catherine. She never wanted to be a disobedient daughter nor the...