C I N D Y
Confusion?
"Bakit? Sino ba kayong dalawa? Bakit ba sa tuwing kasama ko kayo laging may hindi tama?"
Napakasaya ko dahil sa panglilibre sa akin ni Theo. Hindi ko nga lubos akalain na ililibre niya ako kahit hindi naman kami masyadong close dalawa. Pero kahit hindi ko man aminin ay palagay ang loob ko sa kaniya. Habang hinihintay ko siya ay luminga-linga muna ako sa ibang mga lamesa na kagaya ko ay naghihintay rin ng pagkaing kakainin nila. Sa katunayan nga niyan ay kanina pa talaga ako nagugutom kasi last na kain ko pa ay no'ng pinuntahan nila ako sa canteen. Hindi lang 'yun naglakad pa kami kaya mas lalo akong nagutom.
Habang palinga-linga sa kabuohan ng ihawan napansin kong iniwan ni Theo ang cellphone niya. Wala akong intensyong pakialaman ang cellphone na iyon bilang respeto na rin sa kaniya ngunit hindi ko maiwasan. Tila ba may isang bahagi sa aking pagkatao ang nag-uudyok sa aking tignan at pakialaman ang isang bagay na alam kong ikagagalit niya.
Bigla akong nanigas nang makita ang lockscreen niya. Sino ito? Ang ganda niyang babae tsaka medyo magkahawig kami. Paniguradong napakaganda nito ngayong malaki na siya. Nakakapagtaka lang kasi mukhang matagal na ang picture na ito.
Jowa kaya niya ito?
Kung gano'n bakit luma?
Mukhang mga bata pa sila nito. Ang cute nilang apat lalo na 'yung dalawang kambal. Mukha silang magkakaibigan na hanggang ngayon ay nagtatagal. Pero buo pa rin nga ba sila o nabuwag na dahil sa isang problema?
Hindi ba't gano'n naman talaga ang mga magkakaibigan noon? Laging marami ang pinagbago at nakakalimutan na ang pangunahing dahilan kaya sila nabuo. Nako! Heto na naman ako at samu't sari na naman ang naiisip patungkol sa larawang ito.
Hindi ko alam pero sa tuwing tinitignan ko sila sumasakit ang ulo ko na para bang binibiyak sa sakit. I wanna know some information about them but I can't. Baka mapaghalataan ako.
Sadyang hindi ko lang talaga maiwasan tumitig ng matagal sa lockscreen niya. Para kasing nang hihipnotismo ang larawan na iyon na para bang may kaugnayan ito sa akin. Ngunit wala akong maalala na nagkasama na kami dati or kilala ko siya. Basta ang alam ko narinig ko na ang pangalang Ethan Theo Guevarra dati.
Dati . . .
Kung narinig ko na iyon dati, hindi kaya kilala ko talaga siya?
Wala rin naman kasi akong nakikitang childhood pictures namin dati.
Possible kaya?
Ilang minuto ko pang tinignan ang larawan na iyon. Halos matunaw na nga ito dahil sa aking pagtitig kaya nilayo ko muna ito at pinatay dahil baka dumating na rin si Theo. Mahuli pa akong nangingialam ng gamit niya.
Mahirap nang mahuli baka ano pang sabihin niya baka malala pa ay kasuhan niya ako at layuan. Baka sabihan niya sila Trisha na gano'n akong klaseng tao. Speaking of the devil, asan na kaya ngayon si Trisha? Sa susunod talaga'y isasama ko 'yun para hindi awkward rito.
Luminga-linga muna ako sa ibang mga lamesa upang siguraduhin na walang makakaalam at hindi ako mahuling ginamit ito ngunit bigla akong nanigas sa gulat nang mapagtantong papalapit na siya sa kinaroroonan kung saan ako naka-upo. Anong gagawin ko? Nahuli niya na ba ako o hindi? Sana hindi kasi ayaw kong mabuko.
BINABASA MO ANG
A Yellow Flower with A Red Tip #Mus-alomlynAward20
Teen FictionIn a room full of lies, they thought running away from the past would hide their deceitful secret. *** Cindy Perez is a joyous person who loved her family dearly, especially her twin, Catherine. She never wanted to be a disobedient daughter nor the...