AYFWART: CHAPTER 28

211 182 186
                                    

C I N D Y

Another day!

"Mag-ingat ka, iha!"

Lumipas na pala ang ilang mga araw na pamamalagi ko rito sa ospital. Halos hindi ko na nga namamalayan na nakakailang araw na pala ako rito. At ilang araw na rin akong hindi nakakapasok sa aming klase. Hindi ko na nga alam kung nasaang part na kami sa syllabus.

Ako na lang ang nandito sa kuwarto ko ngayon dahil simula no'ng umalis sila Mommy at Daddy, tanging sa cellphone na ibinigay na lang nila kami nag-uusap. Masyado na raw kasi silang busy sa business at iba pang bagay mula ng araw na iyon. Gusto lang nila akong makita at malamang nasa magandang kalagayan na ako.

Si Trisha naman ay pumapasok na sa aming paaralan. Bukod sa pag-aalaga niya sa akin dito ay siya rin ang nagtuturo sa ilang mga komplikadong topic na hindi ko maintindihan.

Kalamitan naman ay bumibisita sa akin si Dean. Nangangamusta ito at humihingi ng tawad sa kapabayaan ng security ng paaralan.

Napakaraming nangyari sa mga nakalipas na araw!

Natigilan ako sa pag-iisip ng mapansin ang pagbukas ng pintuan ng aking kuwarto. Pumasok sa pintuang iyon si Dean.

Ano na naman kaya ang gagawin ni Dean dito?

"Dean, kayo po pala. Kinabahan po ako ro'n, ah!" wika ko rito.

"Ako nga, iha. May inaasahan ka pa bang bibisita sa iyo?" Pabalik na tanong sa akin ni Dean.

Nahiya naman ako bigla dahil sa tanong ni Dean.

"Wala naman po, Dean. Akala ko lang po maagang pupunta si Trisha rito."

"Oh! Si Ms. Gummaru? Dadaan din iyon dito. Kasama niya si Dave kanina baka may bibilhin lang," sagot naman ni Dean.

Paano naman niya nalaman?

Manghuhula kaya itong si Dean?

O, stalker?

"Hindi ako manghuhula gaya nang iniisip mo, Ms. Perez. Nakita ko lang sila kanina bago ako dumaan rito." Mukhang nabasa ni Dean ang iniisip ko.

Gano'n ba ako ka-obvious?

"Ano po palang atin, Dean. Sorry po sa pagtatanong." Magalang kong saad.

"Oo nga pala. Ito, oh! Ipinapabigay ni Kali," wika nito sabay abot sa akin ng mga prutas.

"Kali? Sino po siya?" Nagtatakang tanong ko.

Hindi ba't narinig ko na rin ang pangalan na iyon?

Hindi ko lang matandaan kung saan.

"Some concern student." Kinakabahang wika nito.

That's weird?!

Anong nangyari kay Dean?

"Nasabi na ba ni Trisha sa iyo ang napag-usapan namin?" Pag-iiba ng usapan ni Dean.

"Hindi pa naman po, pero ano po ba iyon?" Mukhang hindi pa sa akin ito naku-kuwento ni Trisha.

"May nagbigay sa akin ng footage ng pangyayaring iyon." Pagtutukoy nito sa nangyari sa akin.

"Ibig sabihin po ba nito ay namukhaan n'yo po ang mga taong gumawa po nito sa akin?"

A Yellow Flower with A Red Tip  #Mus-alomlynAward20Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon