AYFWART: CHAPTER 11

498 372 371
                                    

 C I N D Y

Who is he?

Pagka-alis ni Daddy ay agad akong nagmartsa papuntang maid's quarter at inumpisahan ang pagpupulong patungkol sa surpresa para bukas.

Agad naman silang um-oo bilang pag-sangayon sa aming plano ni Daddy. Kaya ngayon ay nagpahatid ako sa isang care taker namin kasi naalala ko 'di pala ako marunong magdrive. Pero sabi niya hindi raw siya p'wede dahil care taker lang siya at mayroon naman daw kaming driver kaya roon na lang daw ako magpahatid.

Sakto naman na pagkasabi no'n ay biglang may isang matipuno, at g'wapong lalaki na dumaan upang pagbuksan ako ng pintuan.

He had the kind of face that stopped you in your tracks. I guess he must get used to that, the sudden pause in a person's natural expression when they looked his way followed by overcompensating with a nonchalant gaze and a weak smile. Of course the blush that accompanied it was a dead give-away. It didn't help that he was so modest with it, it made the girls fall for him all the more. Despite all the opportunities that came his way he was a one-woman-man who prized genuineness and thoughtful conversation above lipstick and high-heels. He was handsome alright, but inside he was beautiful.

Agad akong sumakay sa kotse at tumingin sa labas. Habang nasa biyahe kami papunta ng grocery store hindi ko maiiwasang mamangha dahil sa napakagandang makita ang umiilaw na ilaw ng mga sasakyan dumadaang sasakyan.

Mahilig kasi ako sa mga tanawin na puro ilaw lalo na 'yung nasa taas ka tas kitang-kita mo lahat.

In the night the city streets become arteries of light around the heart of our metropolis. The city grew as platinum petals into a sepia sky.

Nawiwiwli na talaga akong tignan ang mga ilaw na tila ba ako'y hinihipnotismo. Hanggang sa hindi ko napansin na nasa harap na pala kami ng Grocery store.

"Ma'am Cindy, nandito na po tayo," wika ng g'wapong lalaki na hindi ko alam ang pangalan.

"Nako, kuya. 'wag mo nga akong tawaging 'ma'am' ang weird po kasi masyado, eh," wika ko habang nahihiya sabay kamot ng ulo.

"Baka mapagalitan ako ni Sir, Ma'am Cindy," nahihiyang wika nito sa akin.

"Huwag po kayong mag-alala. Hindi naman po malalaman ni Daddy tsaka sa tuwing tayong dalawa lang naman po ang magkasama. Nakaka-ilang lang po kasi dahil hindi po ako sanay na trinatrato nang ganito. Hindi ako sanay na pinagsisilbihan," Asik ko.

Totoo yun. 'Di naman kasi ako nasanay dahil nga sa probinsiya kami nakatira at kami lang walang tagagawa kaya mas nasanay ako na gumawa ng gawaing bahay, tumulong kay Mommy sa pagluluto at tulungan si ate para magdilig sa hardin.

Hindi ko na natuloy ang pag mumuni ko ng bigla akong tapikin ni kuya ng driver na pogi.

"Cindy, tara na at mag-gagabi na rin. Baka mapagalitan pa tayo ng Daddy mo," nahihiyang kalabit niya sa akin.

"Gan'yan po dapat kuya. Huwag na po kayo mahiya sa akin. Ano nga po pala ang pangalan n'yo?" nahihiyang wika ko sakanya na ikinatawa naman niya.

Kanina pa kasi kami usap nang usap tapos hanggang  ngayon hindi pa rin namin ang pangalan ng isa't isa. Pero ako kilala niya pero ako hindi.

"Dave. Dave na lang po, ma'am."

"Kuya Dave, 'wag na nga po kayong mag-ma'am," wika ko sabay hila ko sa kaniya sabay pumasok sa Grocery store at nagsikuha ng mga kakailanganin namin para sa surprise para bukas. Si Kuya Dave ang taga-buhat ng mga basket 'tas ako ang tagahanap ng kakailanganin para sa party ni Mommy. Kanina nga sinasabi ko na ako rin ay magbubuhat kaso sabi niya siya na lang dahil bukod sa mabigat ay nakakahiya na raw.

A Yellow Flower with A Red Tip  #Mus-alomlynAward20Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon