AYFWART: CHAPTER 20

278 260 175
                                    

C I N D Y

Orientation Day!

Early in the morning the artistic golden sun got up like a baby and started painting the dark black sky into a bright blue sky. The bright-looking milky clouds got up from sleep and started traveling around the sky visiting the wonderful environment that we had.

"Rise and shine!" saad ko habang nag-uunat-unat.

Nagligpit ako ng higaan at sobrang gaan ang aking pakiramdam dahil pakonti-konti kong naaalala ang mga linya na binitawan ni Trisha bago tuluyang umalis.

"Cindy, I'm really sorry for what I did earlier. Hindi ko talaga sinasadya. Hindi pa kasi ako handang pag-usapan ang nakaraan naming dalawa. I'm really sorry."

"Hindi ko namang intensyong itago sa iyo. Sana bigyan mo pa ako ng ilang buwan para tuluyan nang maghilom ang pait ng aming nakaraan."

Paulit-ulit na rumirehistro sa aking isip na tila isang liriko sa aking paboritong kanta. Napakagaan sa pakiramdam ang wala nang alitan na nagaganap sa pagitan naming. Lesson learned na rin kaya sa susunod hindi ko na lang siya papangunahan dahil ayaw ko na ulit ma-ulit ang nangyaring ito.

Pagkatapos kong magligpit ay agad akong lumabas sa kuwarto at hinanap si Trisha. Ilang minuto lang ang lumipas no'n ay hindi na ako mapakali para kasi kaming magkapatid na hindi mapaghiwalay.

Sana nga ay may naging kapatid rin ako . . .

Paniguradong sobrang saya kapag mayroon ako no'n!

"Trisha? Best! Best, asan ka?" malakas na sigaw ko upang marinig niya kung sakali man.

Ngunit walang sumagot. Hanggang sa nakita ko na lang ang sarili kong naglilibot-libot sa buong dorm. Nagbabakasakaling makita ang bruha! Nagugutom pa man din ako. Wala pa kasing naluluto at wala na ring available stocks na masarap.

Kaya malungkot tuloy akong umupo sa may mesa. Mukhang iidlip muna ako ulit at maghihintay sa pagdating niya.

Asan naman kasi 'yun nagpunta?

Porket walang pasok ngayong umaga, naglakwatsa na agad ang bruha!

Paano ako rito?

"Cindy? Gising ka na ba?" halos mapatalon ako sa aking kinauupuan nang marinig ang boses niya.

Dumating na rin siya! Salamat naman.

"Best! Nandito ako sa sala! Saan ka ba kasi galing?" pagmamaktol na saad ko.

"Dumaan lang ako sa baba. Mukhang may masarap kasi silang niluluto kaya dumaan ako," pagpapaliwanag nito.

"Meron ba?" interesado kong sagot.

"Meron. Pero sagutin mo muna ang tanong ko," seryosong saad nito sa akin sabay tingin ng deretso sa aking mga mata.

Bakit naman sobrang seryoso nito?

Hindi ako sanay! Mas kinakabahan tuloy ako!

"Sige ano iyon?" wika ko. Hindi ko pinapahalatang kinakabahan ako sa itatanong niya. Pero sana itong tanong na ito ang sisira sa pagkakaibigan namin.

"Bati na ba talaga tayo?" napayukong wika niya halatang hindi siya handa sa isasagot ko.

Tsk! Akala ko naman kung ano!

Pero dahil may pagkain siya, sige bati na kami!

Just kidding! I know that I also have a fault, dahil sa pagiging pakialamera ko kaya siya nagalit.

A Yellow Flower with A Red Tip  #Mus-alomlynAward20Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon