AYFWART: CHAPTER 26

235 202 176
                                    

T R I S H A

She's familiar! That named Kali was familiar to me . . .

"It's payback time!"

"Hindi ka pa rin ba naniniwala sa video na aking ipinakita, Ms. Gummaru?" Basag ni Dean sa katahimikang bumabalot sa kaniyang opisina.

"Paumanhin po, Dean. Ngunit hindi ko po masasabi hangga't hindi po si Cindy mismo ang nagkukuwento sa akin," magalang kong sagot pabalik dito.

"Sige po, Dean. Mauna na po ako," dagdag ko pa.

"Sigurado ka ba? Hindi mo ba gugustuhing makita ang mga taong nanakit sa kaibigan mo? Pinatawag ko na sila. Gugustuhin mo ba iyon, Ms. Gummaru?" mapanuksong wika ni Dean.

Ako lang ba ang nakakapansin na ang weird ni Dean?

Napatuptop tuloy ako sa aking upuan. Wala naman akong magagawa kun'di ang ma-upo pabalik at maghintay sa darating dito. Ilang minuto rin ang lumipas bago bumalibag ang pintuan. Lulan no'n ang grupo ni Pusit. Tatlo lamang sila, dalawang alagad, at isang reyna ng pusit.

"Miss Reyes and friends, please have a seat." Maotoridad na utos ni Dean.

"Bago ko simulan ang mga dapat kong sabihin patungkol sa away ninyo ay aware ba kayo na hindi kayo makakapasok ngayon?" Bungad na tanong sa amin ni Dean.

May pasok nga pala!

Muntik ko nang makalimutan sa mga nangyari kahapon.

"Hindi po," simpleng saad ko. Pagkatapos kong sumagot ay agad rin namang sagot ang tatlo na mukhang na nanahimik lang sa tabi. Na tila ba'y isa silang maaamong tuta na hindi nakagagawa ng ano mang kamalian kaya nananahimik na lamang sa tabi.

Ul*l! Huwag n'yo akong pakitaan ng ganiyan!

Napaka-plastic n'yo!

Tsk! Mga tiklop pala ang mga 'to kapag si Dean ang kaharap, ah.

Nakakaramdam din pala sila ng takot?

"Oh, kayong tatlo wala ba kayong mga tenga? Miss Lisha, Miss Shaira, at Miss Krizza, ano asan na ang mga bibig n'yo napunta?" Medyo galit na wika ni Dean sa tatlo. Pagkatapos ni Dean magsalita ay sabay-sabay tuloy silang umiling.

Once a plastic, always be a plastic!

#BewareOfPlastic

"Mabuti at nagkakaintindihan tayo. Ngayon ay magsisimula na tayo." Rinig kong boses ni Dean na umaalingawngaw sa buong opisina niya.

"Siguro naman ay alam n'yo ang mga pagkakamali n'yo, tama ba? Narito ang ilang katanungan na dapat n'yong sagutin. Una, bakit umabot sa gano'n ang nangyari kay Ms. Perez?" seryosong tanong ni Dean kaya agad kong nilingon ang tatlong pusit.

"'Yung babaeng po iyon, Dean. Si Cindy po ang nag-umpisa ng lahat," saad pa ni Queen Pusit.

O-oh! You're so dead, Queen Pusit.

Balak mo pa talagang magsinungaling, ah!

Tsk! Tsk! Babaliktarin mo pa talaga ang sitwasyon, ha!

Hindi ko tuloy maiwasang pandilatan siya ng mata sa mga sinasabi niya. Nice try, Queen Pusit.

"Pero bakit parang hindi iyan ang sinasabi nitong video na ito?" Walang bahid nang pagbibirong wika ni Dean sabay ipinakita ang unang clip ng video kung saan makikita ang pananakit nito kay Cindy.

A Yellow Flower with A Red Tip  #Mus-alomlynAward20Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon