AYFWART: CHAPTER 18

308 286 190
                                    

T R I S H A

Hope not!

Hindi ko lubusang mawari kung kanino galing ang estrangherong bulaklak na iyon na sumalubong sa amin ni Cindy. Pati na rin ang nakakatakot na pambungad sa amin sa mismong unang araw ng klase.

"Ayos ka lang?" agad kong wika rito.

"Oo naman, ayos lang. Halika na baka ma-late pa tayo." Iniwan niya ako bigla pagkatapos niyang banggitin ang salitang iyon.

Anong nangyari do'n?

Kilala kaya niya ang tao sa likod nito?

Sa sobrang pag-iisip ng kung ano-ano, I hurriedly run so I can reach where she is. I feel like Sherlock Holmes slash flash while elucidating some ideas. I really want to talk to her regarding this situation, pero sa tingin ko naman parang wala lang sa kaniya. Sabagay baka trip lang iyon ng mga estudyante rito. Alam mo na mga kolokoy.

Dumaan ang ilang minutong paglalakad ay natunton na rin naming ang harap ng building ng sinasabi no'ng una niyang pinagtanungan. Sadyang mamamangha ka talaga sa kagandahan ng eskuwelahan na ito.

No wonder why a lot of people choose this prestigious school.

There are 6 buildings as far as I know each building corresponds with a different course that they have. Since there are 6 buildings, labis ang pagkalito na nararamdaman ko. Hindi ko tuloy maiwasan na magtanong sa guard na saktong dumaan sa harap namin. Paniguradong alam niyang naliligaw kami.

"Ahm, kuya? Maaari po bang magtanong kung saan po ang engineering building dito?" magalang kong wika rito.

"Kaya naman pala kayo nandiyan na nakatayo. Sa building na ito may dalawang building pa. 'Yung left wing, 'yun ang engineering building," magiliw na sagot din nito sa akin.

"Oh, siya! Mauna na kayo. Malapit nang magsimula ang klase n'yo. Hala sige!" masuyong dagdag nito.

"Maraming salamat po!" sabay naming sabi ni Cindy sabay takbo sa sinasabing engineering building daw ni kuya guard.

I didn't expect that we wouldn't be late because of being Cindy's lazy gestures and being preoccupied whenever I'm asking her but because of finding this sh*t building of ours. Sana suwertehin kami ngayon at medyo malate ang prof namin. Unang araw pa lang mukhang mararanasan ko nang ma-detensyon agad.

Pagkakita naming sa building na tinutukoy kanina ni kuya guard, dali-dali kaming umakyat sa ikatlong palapag at hinanap agad ang room na aming papasukan. Base sa pagkakaalala ko ang mga rooms daw rito ay nakabase kung anong building, floor number, at kung pang-ilang kuwarto. Halimbawa, ang room naming ay room 334 na na nangangahulugang third building, third floor, and fourth room.

Out of nowhere, naramdaman ko ang munting pagkalabit sa akin ni Cindy hudyat na nasa harap na kami ng pintuan ng aming papasukan. Dahil sadyang makapal ang mukha ko ay agad akong sumilip na para bang magnanakaw na tumitingin kung may makakakita ba sa aking ginawa.

Silip, balik, silip, balik ang aking naging kilos habang ginagawa iyon. Kaya halos hindi mapakali si Cindy kung ano ba ang aking tinitignan at hindi na lang deretso pumasok. Hindi ko naman kasi masabing nandoon si Dave mah baby labs! Naka-upo sa pinakadulo at gilid pa ng mga bintana.

Dahil sa aking naging ekspresyon napilitan si Cindy na tignan kung ano ang nakita ko. Pagkasilip na pagkasilip niya ay agad na rumehistro sa kaniyang mukha ang labis na pagkagulat na tila may nakita siyang pamilyar na taong parte ng buhay niya no'ng umalis ito.

Sana mali ang iniisip ko . . .

Sana mali dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko kung sakaling tama ito.

A Yellow Flower with A Red Tip  #Mus-alomlynAward20Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon