T R I S H A
That Lisha pusit was so cruel!
"Ako ang magpapatalsik sa iyo!"
"Cindy!" Malakas kong sigaw nang matagpuan ko siyang nakahandusay at punong-puno ng galos at pasa ang buong katawan.
Sana pala ay hindi na lang kita hinayaan!
Oo, sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari!
Kung sana sinamahan ko na lang siya at humabol na lang sana sa usapan namin.
Labis akong nagsisisi sa aking nasisilayan ngayon. Maraming sana akong iniisip na kung nagawa ko iyon ay hindi ito mangyayari sa kaniya. Gusto kong simigaw at magwala! Nakakabwesit talaga ang mga 'yun! Palibhasa ay alam nila siguro na kailanman ay hindi sila papatulan ni Cindy kaya pinuruhan nila ito nang maigi.
Minsan kahit ako naiinis 'din diyan kay Cindy, eh. Napaka-goodgirl kahit ilang beses mo siyang saktan o murahin at pagsalitaan ng masama okay lang sa kaniya. Dahil naiintindihan niya raw ang mga taong ganito na kulang lang sa pagmamahal sa magulang kaya na nanakit na lang ng iba.
Hayst! Siguro no'ng panahon na nagpaulan si God ng kabaitan lahat 'yun ay sinalo ni Cindy. Hayst! Hindi ko nga alam kung bakit ako pa yung naging kaibigan niya, eh. Ugali pa lang ay alam mo nang magkaibang-magkaiba kami.
Nasilaw ako sa ilaw na nakatutok sa akin. Nandito pa pala si Dean. Buti na lamang at dumaan si Dean sa direksyon namin. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha ni Dean ngunit paniguradong magbabakas doon ang pagkagulat sa nakitang kalagayan ni Cindy. Umiiyak ako sa harapan niya. Sinisisi ko ang sarili ko sa nangyaring ito.
"Iha! Ano ito? Anong nangyari sa kaniya?" Naguguluhang saad niya.
Mas lalo pa akong napahikbi sa tanong niya. Wala akong alam sa nangyari sa kaniya. Ang kaibigan ko ngayon ay nagdurusa dahil sa kasalanang hindi niya ginawa.
"Iha, sagutin mo ang aking katanungan. Ito lang ang paraan upang makilala kung sino ang may gawa nito sa kaniya." Pag-aalalang wika nito sa akin at hinawakan ang aking magkabilang balikat paharap sa kaniya.
Sumagot naman din ako bilang tugon kahit na humihikbi pa rin, "H-Hindi k-ko p-po alam. N-Nakita ko na lang po siya riyan kanina hila-hila ng mga lalaking naka-itim."
"Salamat, iha. Dito ka muna at tatawag na ako ng ambulansya." Hindi pa rin nagbago ang ekspresyon sa mukha nito nang ito'y tuluyan ng umalis sa aking harapan.
"Cindy, magpakatatag ka. Hindi ko kayang iwan moa ko, please!" Pagmamakaawa ko sa kaniya sabay hawak sa puro galos niyang kamay. Alam kong kahit na tulog siya ay maririnig niya pa rin ako.
Gumaling ka, Cindy!
Ipangako mo iyan!
Malakas na ugong ng paparating na ambulansya ang bumulabog sa aking pagkakausap sa kaniya. Himalang napakabilis nang pagresponde ng mga ambulansya. Ilang kalalakihan ang bumaba sa sasakyan dala ang stretcher. Sabay-sabay nilang binuhat ang nakakaawang katawan ni Cindy na puno ng galos at sinakay roon. Abot- abot kaba naman akong sumakay sa loob.
The moment that we entered the ambulance, the paramedics immediately cure some of the bruises that Cindy got from the incident. I actually knew about their job, well. I've been reading paramedic and doctors' books my whole life. And as far as I remember, Paramedics are usually the first individuals to respond to any emergencies that may have. They carry out various duties such as assessing patients and providing emergency medical attention like what they're doing right now.

BINABASA MO ANG
A Yellow Flower with A Red Tip #Mus-alomlynAward20
Novela JuvenilIn a room full of lies, they thought running away from the past would hide their deceitful secret. *** Cindy Perez is a joyous person who loved her family dearly, especially her twin, Catherine. She never wanted to be a disobedient daughter nor the...