Chapter 16

2.3K 39 2
                                    

Aillen's Pov

"Wow! Ang ganda talaga dito. Fresh na fresh pa ang hangin at marami ding mga fafa's ang nandito. I so loved it." Parang timang na sabi ni Ryan o Ry na lang in short. Hindi ko na muna siya tatawaging mananger dahil wala naman kami sa trabaho.

"Haha tama ka dyan Ry. Let's tour around. Beshie hindi ka ba sasama samin? Maglilibot-libot kami." Nakangiting sabi ni Max. Nandito pa kasi kami sa dalampasigan dahil hindi muna kami tumuloy don sa hotel kung saan kami naka check-in.

Baliw kasi ang mga kasama ko kaya dumiretso ako--sila pala na dito na sa dalampasigan pumunta. Maraming mga guys kasi ang nandito tss hindi naman mga gwapo.

"Pass na muna ako dyan Max. Pagod ako sa byahe kaya pupunta nalang ako sa hotel room natin."

"Pagod? Eh natulog ka lang naman buong byahe. Dapat nga ako ang mapagod kasi like hello ako kaya ang nag drive buong byahe." Pairap na sabi ni Ry. I rolled my eyes too. Damn this gay.

"E sa pagod ako eh. Bakit may angal ka?"

"Sabi ko nga wala eh hihi sige punta ka na sa hotel room mo at maglilibot-libot na muna kami sa Maxine. See you." At hinila na niya si Maxine.

Ti-tig-isa kami kasi ng hotel room na kinuha since ayokong may kasama sa loob ng kwarto at ganon din yong dalawa.

"Good day ma'am. How may i help you?" Nakangiting tanong sakin nong babae sa may front desk. Yong bang may hawak sa log book? Basta yon na yon hindi ko alam kung anong tawag don.

"May pina reserved na kasing kwarto ang kaibigan ko. Anong room number?"

"What is your name ma'am?"

"Aillen. Aillen Ortega."

"Ay! Kayo po pala si miss Ortega. Pasensiya na po at hindi ko kayo nakilala agad. Naku ma'am big fan niyo po ako." Nakangiting sabi niya at sinuklian ko lang ito ng ngiti.

Napapatingin na din yong ibang tao samin maging ibang guest. Pati ba naman dito?

"If you don't mind, can i get my room number? I'm tired." Saka palang siyang natauhan at dali-daling inabot sakin ang susi ng room ko.

"Sorry ma'am. Number 303 po ang room niyo sa may 4th floor po." Tumango ako at saka nag thank you bago pumunta sa may elevator at don pumasok.

Pinindot ko naman ang 4th floor at nag-umpisa na itong umandar.

KASALUKUYAN akong nag-aayos ng mga damit ko sa kabinet. Wala pa yong dalawa kaya malamang nage-enjoy yon sa paglilibot.

After kong mag-ayos ng gamit ay nahilata ako sa kama dahil sa sobrang pagod. Tangahaling tapat na kasi at umiinit na din ang sikat ng araw.

Buti hindi nasusunog ang mga tao sa beach.

Dahil wala din naman akong ginagawa ay tumayo ako at lumabas ng room ko. Papunta na sana ulit ako sa sakayan ng elevator ng may di sinasadyang mabunggo akong tao.

"Sorry." Hinging paumanhin ko habang nakayuko. Kaya hindi ko kilala ang taong nabunggo ko. Pero para akong tinakasan ng kaluluwa ng marining ang boses niya.

Bakit siya nandito?

"X-xena?"

~~~
A/N:haha guise niyo kong sino ang nabangga ni Aillen? Thank you for reading this story nga pala and i love you alll<3

Please do Vote and Comment!!!

The Comeback (COMPLETED✔)Where stories live. Discover now