Chapter 18

2.2K 36 0
                                    

Aillen's Pov

KINABUKASAN ay namasyal na kami sa beach. Kung saan-saan na din kami nagpunta and of course take a selfie of the three of us.

Nakwento ko na din ang mga nangyari kahapon at ang dalawang bruha ay parang teen ager na kinikilig. Pero mas malakas pa din talaga ang tili ng kaibigan slush mananger ko na feeling babae. Tss.

"Guyz, di ba kayo nagugutom? I'm starving na eh. Kain na tayo." Sabi ko pero parang wala ding narinig ang mga bruha at bruho psh.

Hinintay ko nalang na matapos silang mag selfie. After nilang mag selfie ay lumapit din sila sakin.

"Maya na tayo kumain dear. Libutin na muna natin ang buong boracai."

"Like hello? Second day palang natin dito so may bukas pa para puntahan ang ibang lugar."

"Tama din naman si Aillen, Ry at isa pa gutom na din ako."

"Aish 2 versus 1 anong laban ko sa inyo? Tara na nga at baka magbago pa ang isip ko."

***

"Oi, diba sina Ezekiel at Kate yon?" Tanong ni Max habang nakaturo sa kakapasok lang sa entrance nitong restaurant.

Malapad ang ngiti ni Kate habang nakasukbit ang kamay sa braso ni Damon. Duh? Linta lang ang peg? While damon naman ay naka poker face lang.

"Siya na ba yong ex mo dear?"

Tinaguan ko naman si Ryan at bumalik sa pagkain. Ano naman kung nandito din sila? Di naman nila pagma-may-ari ang kainan na to.

"Kyahh ang gwapo naman pala ng fafa ball mo dear eh. Kaso may epal." Mahinang bulong sakin ni Ryan dahil nga magkatabi lang kami at nasa unahan namin si Maxine.

"Tumigil ka nga dyan Ryan. At kumain ka na lang." Inis na sabi ko at nilantakan na ulit ang chicken curry na kinakain ko.

Pumunta naman sila damon at kate sa direksyon namin pero halatang hindi nila kami napa-pansin.

"Oi babe, anong gusto mong kainin?" Malanding tanong ni kate sa dakila kong ex. Napa ismid nalang ako.

"Kahit ano nalang." Malamig na sabi ni damon.

"Gusto mo babe ako nalang ang kainin mo?" Nabilaukan naman kaming tatlo sa sinabing yon ng malanding si kate.

Like what the fuck?! Seriously? Ii-offer niya talaga ang sarili niya. God di ako nainform na pagkain na pala siya ngayon. Ano naman kaya ang lasa niya.

At dahil nga sa pare-pareho kaming nabilaukan e napatingin samin yong dalawa. As usual mukhang nagulat na naman siya ng makita ako.

"X-xena.."

Napangisi lang ako ng malapad. Ganyan nga Kate mautal ka pag kaharap mo ko. Humanda ka sa gagawin ko sayo.. ikaw ang una kong titirahin. *evil smile*

"Hello Kate. Long time no see."

"P-panong..?"

"Nagulat ka yata? Hindi mo ba ine-expect na makikita mo ko ulit?"

Hanggang ngayon ay naka-awang pa rin ang bibig niya at hindi makapaniwalang naka-tingin sakin.

Pano pa kaya kung malaman niya na kinuha akong model ng boyfriend niya? What would her reaction kaya? I'm so excited to see that.

~~~
A/N:nagkaharap-harap din sila sa wakas. Anong mas-say niyo sa chappy na to? Feedbacks pls..

Please do Vote and Comment!!!

The Comeback (COMPLETED✔)Where stories live. Discover now