Chapter 33

2K 35 0
                                    

Aillen's Pov

"Heto tubig, uminom ka na muna." Sabay abot sakin ng isang basong tubig. Agad ko naman yon ininom.

"Ano ba ang nangyari sayo at umiiyak ka don sa labas? Sino yong babaeng naka-usap mo?" Nag-aalalang tanong ni manang habang inaayos ang gulo-gulo kong buhok.

"W-wala po m-manang. Wag niyo na po akong intindihin." Nauutal na sabi ko dala na din siguro ng pag-iyak ko.

Si manang Louisa kasi ang naka kita sakin na umiiyak sa harap ng gate nong kakauwi niya lang galing sa palengke.

Kaya ayon inalalayan niya ko patungo dito sa kusina. Nakita ko nga yong ibang mga maids na nag-aalala sakin.

"Anong hindi kita intindihin? Ikaw na bata ka ano bang problema? Pwede mo namang sabihin sakin. Makikinig ako." Sabi ni manang pero ngumiti lang ako ng pilit. Ayokong mag-alala pa siya kaya mas pinili kong wag nalang sabihin sakanya.

"Don't mind me manang. Mag-papahinga na lamang po ako."

"O sige. Basta kapag may kailangan ka tawagin mo lang ako." Tumango lang ako at saka umakyat na para pumunta sa kwarto ko sa second floor.

Nang makapasok ako sa loob ng kwarto ko ay agad ko yong ini-lock at saka pumunta sa kama ko at doon humiga.

Pakiramdam ko pagod na pagod ang katawan ko kahit wala naman akong ginagawa ngayong araw.

Hindi ko namalayan na nahila na pala ko ng antok.Zzz...

NAGISING ako na malalim na ang gabi. Luh? Gabi na pala hindi manlang ako ginising ni manang. Kumakalam na din ang sikmura ko dahil hindi na nga ako nakapag lunch e hindi pa ko nakapag dinner.

Siguro naman may pagkain pa sa baba.

Tumayo ako mula sa pagkaka-higa at lumabas ng kwarto ko. Madilim na din sa pasilyo at tanging sinag nalang ng buwan ang nagsisilbing ilaw sa nilalakaran ko.

Nang makababa ako sa dinning area ay may nakita akong mga naka ready ng pagkain habang tinatakpan pa ito. May note din na nakalagay sa baso ng gatas na tinatakpan din.

Hindi na kita ginising pa Hija dahil mukhang nakatulog ka na at ayaw na kitang abalahin pa. Nakaready na ang pagkain kung gutom ka na.

                                     ~Manang L.

Palihim nalang akong napangiti ang sweet lang kasi ni manang at para ko na din siya tunay na ina kapag out of the country sina mom at dad. Simula pa kasi nong bata ako ay nagta-trabaho na samin si manang Louisa hanggang ngayon na matanda na ko.

Kumbaga Loyal siya sa pamilya namin. Siya ang pinakamatagal ng naninilbihan sa amin kaya ganon nalang ang tiwala nina momy sakanya.

Inalis ko na yong mga takip sa pagkain at sako nilantakan ang mga yon.

After kong kumain ay hinugasan ko na yong pinagkainan ko at saka bumalik sa taas para matulog na.

~~~
A/N:short update? Bawi nalang me sa next chapter haha thank youuu so much for reading this story. I LOVE YOU READERS<3

Please do Vote and Comment!!!

The Comeback (COMPLETED✔)Where stories live. Discover now