Chapter 35

1.9K 27 0
                                    

Kate's Pov

"Ano ng plano mo ngayon Kate? Hindi ba at nakipag break na sayo si Ezekiel?" Ask ni Liza.

"No! I won't let that happen. I am the right woman for him. Wala ng iba kundi ako lang." Madiin na sabi ko at uminom sa wine glass na hawak ko.

No one can have my Ezekiel except for me. Kung kailangan kong patayin ang kung sino mang aagaw kay Ezekiel gagawin ko.

"Your crazy inlove with that man." Iiling-iling na sabi ni Larny. Yeah tama siya im crazy inlove with Ezekiel and i can kill if someone try to steal Ezekiel from me.

"I want that bitch stay away from us. Kung hindi siya madadala sa mga banta ko lang then, dadaanin ko nalang siya sa dahas. I won't hesitate to kill that bitch. She leave me with no choice."

Humanda ka na Xena Aillen Ortega. I will make sure na mawawala ka na sa landas namin ni Ezekiel.

Aillen's Pov

Andito ako ngayon sa kwarto ko. After kasi nong pag-uusap namin ni damon sa living room ay agad akong umakyat sa kwarto ko.

Hindi ko kayang makasama ng matagal si Damon sa iisang lugar.

*Tok!*Tok!*Tok!*

"Pasok." Sabi ko. Nakahiga lang ako sa kama ko at nakatingin sa puting kisame.

Narinig ko naman ang pagbukas ng pinto. Hindi ko din alam kung sino ang pumasok. Baka isa lang sa mga maids.

"Hija.." napatingin ako sa taong nasa pinto and there, i saw manang Louisa.

Umupo naman ako mula sa pag kakahiga ko.

"Manang, ano pong ginagawa niyo dito?" Tanong ko. Ngumiti lang siya at saka tinabihan ako sa kama.

"Gusto lang sana kitang maka-usap hija. Narinig ko ang pinag usapan ninyo ng binatang yon. Hindi mo ba iku-kwento sakin ng sa ganon e gumaan naman ang dinadala mo dyan sa dibdib mo." Nagulat naman ako sa tinuran niya. Hindi ko kasi ine-expect na maririnig nya ang pinag-usapan namin.

"N-narinig mo manang?" Tango lang ang sagot niya.

"Dating kasintahan mo pala ang binatang yon. Hindi ba at may dahilan kaya ka nga niya iniwan noon? E bakit hindi mo siya hayaang magpaliwanag? Kung sa tingin mo karapat-dapat siyang bigyan ng pangalawang pagkakataon e gawin mo at kung sa tingin mo naman ay hindi, diretsuhin mo nalang siya. Hindi yong pinagtatabuyan mo siya. Ikaw din ang masasaktan."

"P-pero manang, s-sinaktan niya ko. S-sabi niya mahal niya pa din ang ex niya kaisa sakin. He choose her ex over me. At tama din naman si Kate manang e, isang rebound lang ako ni Damon." Hindi namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Agad naman akong niyakap ni manang.

"Shh.. iiyak mo lang yan hija. At ipangako mo sakin na bago mo gawin ang isang desisyon e siguraduhin mo muna na pag-iisipan mo ito." Tumango-tango lang ako habang umiiyak. I can't hold my tears back.

Sana nga karapat-dapat siyang patawarin. Sana nga katanggap-tanggap ang dahilan niya. Ayoko ng umiyak pa ng dahil sa kanya.

~~~
A/N:ay! Kawawa naman ang ating bida. Umiiyak na naman siya ng dahil kay D.E (short for Damon Ezekiel.). Ano na namang mas-say niyo sa evil plan ni Kate? Sa tingin niyo ano kayang gagawin ni kate para mawala sa landas nila ang ating bida na si X.A (short for Xena Aillen).? Abangan niyo nalang sa mga susunod na kabanata.

Please do Vote and Comment!!!

The Comeback (COMPLETED✔)Where stories live. Discover now