Chapter 9

2.4K 45 0
                                    

Xena's Pov

"Nasan ka na ba ha? Alam mo bang kanina pa ko naghihintay dito?" Inis kong sabi sa kabilang linya.

["Malamang hindi ko alam kasi wala naman ako dyan."]

"Isa nalang na pang-aasar mo sakin tatamaan ka na talaga sakin."

["Ay sorry dear pero di tayo talo."]

"Fine bahala ka at uuwi--"

["Oo na sorry na nga my dear. Ang dali mo namang mapikon haist. Wait ka lang dyan okay at malapit na ko."]

"Bilisan mo."

Inis kong pinatay ang tawag. Nandito kasi ako sa coffee shop kung saan kami magm-meeting ni mananger Ryan.

Sure akong may jetlag pa yon dahil kakauwi palang niya dito at atat na atat na maka-usap ako. Tungkol naman kaya saan yon?

Ilang minuto pa kong naghintay at nakita ko si mananger na kakapasok palang sa may entrance.

Hagard ang ateng niyo psh.

"Hoo.. i'm tired na may dear. Ikaw kasi eh pinagmadali mo ko." Medyo hinihingal niyang sabi at kinuha ang baso ng tubig ko at diretsong nilagok yon. Tss.

"So kasalanan ko pa ngayon? Sino kaya satin ang atat na atat na maka-usap ako? Diba ikaw at hindi ko rin kasalanan kung bakit ka pagod."

"Your so mean Aillen. Pasalamat ka lab kita dahil kung hindi kanina pa kita binigwasan."

"Tss. Whatever. O ano bang pag-uusapan natin?"

"Order muna tayo okay im so gutom na eh." Hindi nalang ako umimik. Tinawag niya yong waiter at pinasulat ang order namin--niya lang pala. Syempre may kasamang pa cute pa don sa waiter boy.

"Thank you bebe.." kinikilig na sabi ni Mananger. Natatawang umalis yong waiter.

"Ang landi mo talaga ever."

"Walang paki-alamanan okay. Saka ang cute naman kasi ni waiter boy e hindi ko mapigilan hihihi.."

Umiling-iling nalang ako at saka tumingin sa labas. Kitang-kita kasi mula dito ang nangyayari sa labas at kitang-kita naman sa labas ang pangyayari dito.

***

"So ano payag ka na?" Aish ang kulit. Kanina pa kasi niya ko kinukulit na pumayag sa alok ng isang sikat na kompanya na maging cover nila ko.

"Pag-iisipan ko pa okay. Saka anong kompanya ba yang nag-alok sakin?" Tanong ko.

"Hmm.. wait. Nakalagay kasi dito sa contract ang pangalan ng kompanya." Sabi niya habang ini-scan ang folder. "ayun, DEM Group of Company. Yon ang pangalan ng nag-alok sayo."

Hmm... DEM Group of Companies. Di na masama wala naman sigurong mawawala sakin kung sakaling pumayag ako sa alok diba?

Saka gusto ko naman ang pagm model kaya papayag nalang ako tama.

"Fine. Payag na ko."

"Ayiee thank you miss Aillen hindi ka talaga magsisisi nito."
Pasigaw na sabi niya kaya napa patingin samin ang ibang costumer. Pahamak talaga tong si mananger buti nalang naka shades ako kundi dudumugin na siguro ako ng mga tao.

Remember? sikat ako.

"Tumigil ka nga Mananger. Ang ingay mo."

"Si miss Aillen baka mo?"

"Ang swerte naman natin at nakita natin ng personal si miss Aillen."

"Ang ganda talaga niya."

Ilan lang yan sa mga bulong-bulongan sa paligid. God ayoko nito. Tinignan ko naman ng masama si Mananger na nag peace sign lang.

Bago pa nila ko dumugin dito dahil marami na din ang naka tingin samin ay dali-dali kong hinatak si mananger palabas ng shop at tumakbo papunta sa kotse ni mananger.

Pauuwiin ko nalang siguro si mang kaloy--driver ko. Hindi kasi ako pinayagan ni mom at dad na mag drive all by myself kaya si mang kaloy ang naging personal driver ko.

"Kahit kailan pahamak ka talaga mananger."

"Sarey naman okay?"

Inirapan ko lang siya at padabog na pumasok sa loob ng kotse.

~~~
A/N:hihi yow good morning. How's my update? Sorry kung hanggang chapter 8 lang ang na-update ko kahapon wala na kasi akong time non kasi medyo naging busy din ako hakhak. Anyway give me your feedbacks and comment. Wag po purong next lang. Lablots<3

Please do Vote and Comment!!!

The Comeback (COMPLETED✔)Where stories live. Discover now