Chapter 3

103 10 0
                                    

•Sitio Camanggaan•
Mamorno's House
10:15am

MALAYO ang tingin sa tahimik na kapaligiran si Ram habang nakadungaw sa kahoy na bintana ng naturang kwarto. Lumabas na rin sa wakas ang Haring Araw. Binuksan na rin ang ilang kalsada sa lugar at maari na siyang umalis.

"I know you're watching me right now, Mommy." Mahinang sambit nito habang nakatitig sa alapaap. "I just wanted to be with you that's why I..." Napapikit siya't nagpakawala ng malalim na hininga.

Alam niya sa sarili niya na hindi nagustuhan ng Ina ang nais niyang gawin na handa na niyang isuko ang lahat pati ang buhay niya makasama lang ito. At hindi gugustuhin ng Ina na nakikita 'tong miserable. Hindi niya lang napigilan ang sarili dahil sa sama ng loob sa pagtatalo nila ng Ama.

"I'm sorry, Mommy." Buong puso niyang sabi. "I promise, I will live happily as you say. I will live without fear of anyone or anything. I will live with peace in my heart and mind. I will live with hard work and dedication. And above all I will live as your son who is willing to make you happy even when you're no longer with me." Unti-unti niyang naramdam ang marahang pagdaloy ng luha sa kanyang mga pisngi. Hanggang sa dahan-dahan itong napasubsob sa may bintana. Ang kanyang ulo ay nakasiksik sa kanyang braso na akala mo'y parang isang bata.

Hindi maipagkakaila na talagang mahal na mahal niya ang Ina. Na kahit ilang taon na itong nawalay ay hindi pa rin niya ito kayang pakawalan. Pinahid ng kamay niya ang mga luhang pumatak at muling tiningala ang kalangitan.

"But how do I do everything you want, Mommy? I didn't know how to start." Puno ng katanungan ang kanyang isipan. Maging ang kanyang puso. Paano nga ba niya sisimulan lahat ng 'yon? "I want you to see all that in me. But I do not know how."

Kung sana'y naririto lang ang kanyang mahal na Ina. Hindi na niya kailangang maramdaman lahat ng ito. Hindi ngayon hindi niya alam kung hanggang saan nalang siya. Unti-unti na naman niyang nararamdaman ang hirap at pagod.

ABALA sa pagsusulat si Siah sa kanyang kwaderno. Nagustuhan nga niya ang ideya ng kaibigang si Kylie patungkol sa kung paano sila mababayaran at maibabalik ng lalaking kasama nila ngayon sa bahay lahat ng naitulong nila sa kanya. Pero syempre sa paraan na hindi sila magmamakaawa sa harapan ni Ram.

"Ano pa kaya?" Kagat-kagat niya ang dulo ng hawak na ballpen. Pinagiisipan niyang mabuti ang mga nais nitong hilingin kay Ram. "Tignan natin kong hindi ka mahirapan. Anong akala mo sa akin?" Mariin niyang sinusulat ang pang-huli sa sampong listahan niya. "Perfect!" Tinaas nito ang kwaderno at pilyo-ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi.

Lumabas siya ng kwarto ng kapatid na si Coco dala-dala ang kwarderno. Sinilip muna niya ang katabing kwarto kung saan naroroon si Ram. Marahan niyang idinikit ang tenga sa nakasaradong pinto at pinakinggan ang loob.

Maya-maya pa ay nakarinig siya ng mga yabag mula sa loob na papalapit na sa pinto. Agad niyang tinungo ang Salas na kalapit lang ng kinaroroonan at nagtungo sa malaking bintana na gawa sa tabla't kahoy.

Pinakiramdaman niya ang lalaki. Lumabas na nga si Ram. Pinakalma niya ang sarili bago harapin ang lalaki.

Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa kinatatayuan ng masilayan si Ram. Naglalakad ito papuntang kusina habang isinusuot ang denim jacket nito.

For The First Time | KATHREID - Book ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon