Chapter 13

98 11 0
                                    

Sitio Camanggaan
8:15pm

NAUNANG bumaba sa traysikel si Siah pagkatapos ay sumunod si Kylie.

"Manong bayad po, dalawa." Inabot niya ang kinuhang pera sa bulsa. "Ako na, Mare."

"Sigurado ka?" Tugon ng kaibigang akmang magbabayad na sana.

"Oo nga. Tara na." Pinalibot nito ang braso sa braso ni Kylie at iginaya na ito maglakad.

"Kunin mo na 'to. Ikaw na nga 'tong naghintay sa akin sa trabaho E. Kaya ako dapat ang magbabayad ng pamasahe." Kinuha ni Kylie ang libreng kamay ni Siah at ikinulong do'n ang pera. "Bawal kang gumastos pag kasama mo ako. Kailangan mong magtipid. At wag gumastos. Hindi ka pa nakakahanap ng pera para pambayad sa nagawa ni Coco."

"Kaya pa naman, Mare. Ayos lang." Tipid siyang napa-ngiti.

"Subukan mo ulit kausapin si Sir Kalvin. Gusto mo samahan na kita bukas? Wala naman akong pasok." Mungkahi ng kaibigan.

Naikwento na ni Siah kay Kylie ang pakikipagkita niya kanina kay Kalvin. Ngunit hindi nga natuloy ang sana'y importanteng sasabihin niya rito sa kadahilanan na nagmamadali itong umalis.

"Sige. Salamat, Mare."

"Ay! Oo nga pala. Hindi ako pwede bukas, Mare." Sabay silang napahinto sa paglalakad. "Kaarawan ni Lola bukas. Hindi ako pwede."

"Ayos lang, Mare. Kaya ko na 'yon. Pasabi kay Lola, happy birthday." Nakangiti nitong sabi.

"Kung sumama ka kaya. Umaga mo nalang puntahan si Sir Kalvin. Tsaka tawagan kita para sumunod kana lang do'n." Masiglang sabi ni Kylie. "Oo nga, gano'n nga. Sumama kana lang sa akin."

"Nahihiya ako, Mare. Tsaka isa pa, hindi ko kilala ang Lola---"

"Kaya ka nga pupunta para makita mo sila at makilala." Taas-kilay na sabi ni Kylie. "Isa pa gusto ko ring makilala mo ang iba ko pang mga pinsan sa side ng tatay ko. Ako ng bahala kay Tita Ana. Kasama namin ang nanay at tatay ko kaya walang dapat ipag-alala." Tumango nalang si Siah. At ipinagpatuloy na nila ang paglalakad.

Gusto rin talaga niyang sumama. Wala din naman siyang gagawin bukas ng buong hapon. Tama nga si Kylie, umaga nalang niya pupunta si Kalvin sa Club. Sana naman ay makausap na niya ito ng tuluyan.

"Sa bahay kana mag-hapunan, Mare. Madami 'tong tinake-out ko kanina. Pwede pa naman 'tong mga 'to. Samahan mo na kami."

"Sige. Gusto ko 'yan." Masiglang tugon ni Kylie. "Papalit lang ako ng damit tapos gogora na ako do'n."

"Dalian mo, ah. Baka magpapaganda ka pa. Nako, nagugutom na ako."

"Oo nga. Sige, mauna na ako. Dadalian ko, pramis." Narito na pala sila sa harapan ng bahay nila Kylie. "Ingat ka diyan. Pag may aso, takbo."

"Sira. Pasok na, dalian mo." Kumaway pa ang kaibigan at tsaka nagmadaling pumasok sa kanilang tahanan. Binilisan na rin niya ang lakad.

Hanggang sa natanaw na niya ang kanilang bahay. Agad na siyang napatakbo. Nakakatakot na't baka may humarang pa sa kanyang aso. Madalim pa naman na sa daan nila.

"Nay, andito na po--- Teka. Anong nangyayari dito?" Bigla siyang napaatras nang tumambad sa harapan niya ang iba't ibang mamahaling at iba't ibang Appliances.

"Siah, anak. Nariyan kana pala. Halika't tulungan mo ako rito sa kusina." Narinig niyang sabi ng Ginang. Ngunit hindi siya naglakad patungong kusina bagkus ay kunot-noong nakapawemang pang iniisa-isang tignan at suriin ang mga gamit.

For The First Time | KATHREID - Book ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon