Chapter 9

99 9 0
                                    

Dark Light
Second floor Private Room No. 10
9:25pm

SABAY-SABAY itinaas ng magkakaibigang Ram, Kalvin at Khate ang kani-kanilag baso na naglalaman ng Red Wine.

"Cheers!" Sigaw ni Khate.

"Congrats again, Bro!" At hinakbayan ang katabing si Ram.

"Yeah!" Napahiyaw rin si Ram sa tuwa. "Cheers!"

Nang matapos ay kanya-kanya na sila ng upo sa sofa. Magkatabi ang mag pinsan at nasa may gilid naman nila si Khate.

Kanina pa sila naririto. Nakailang bote na rin sila ng Wine ngunit tila walang makakapigil sa tatlo.

"Why did you come home so suddenly, Khate? Hindi ka man lang nagpa-sabi. Di sana nasundo ka namin no'n sa Airport." Ani Kalvin na nakasandal ang braso sa may ulunan ng sofa. "Nagulat rin ako, Bro. Sumulpot sa Club nang gano'ng oras."

"Biglaan lang rin kasi. Actually, Dad just called me. He just said that I need to go home so we could talk. Hindi ko alam kung tungkol saan. Pero hindi pa naman niya sinasabi, until now. Ewan ko ba do'n."

"About business?" Tanong ni Ram tsaka marahang isinandal ang ulo sa may ulunan ng sofa.

"Maybe. I don't know."

"Baka dito kana niya patirahin. Ayaw kana no'n bumalik." Marahang natawa si Khate sa sinabing 'yon ni Kalvin. "Kung nagkataon, pareho na tayong tatlo na business-minded."

"By the way, nakapag-usap na ba ulit kayo ng Dad mo? About what happened last week?" Napaayos naman ng upo si Kalvin at itingkod ang mga braso sa mga kabilang tuhod habang pinapaikot-ikot ang wine sa baso. "Will he shut down the Club?"

"What?" Maging si Ram ay nabangon mula sa pagkakasandal nang marinig ang huling sinabi ni Khate. "The Club will be shut down? Why didn't you tell me about it, Bro?"

"Ops. I'm sorry, Kal. I did not mean to..." Bakas sa mukha ni Khate ang pagkabigla. "I thought Ram already knew."

"So, wala kang balak ipaalam sa akin?" Kunot-noong sabi ni Ram sa tahimik na katabi. "Hey. I'm talking to you."

"Hindi ko na pinaalam sa'yo kasi ang dami mo ng iniisip." Nilingon niya ang katabi. "Sobrang abala ka sa Kompanya. Nahihiya akong---"

"E kung suntukin ko kaya 'yang pagmumukha---"

"Hey! No." Natatawang inilayo ni Kalvin ang mukha sa sumulpot na kamao sa harapan niya. "We already talked about it. And he decided not to. Kaya wag mo nang ituloy 'yan." Agad namang binawi ni Ram ang nakakuyom na kamay. At inis na ininom ang hawak na wine.

"Really?" Nakangiting sabi ni Khate. "Mabuti nalang."

"Mr. Galahad is one of my Dad's friends in College. No'ng nalaman niya ang tungkol sa nangyari sa kaibigan niya rito sa Club. Ayon pinatawag ako't sinabihan na kung hindi ko rin kayang patakbuhin ng maayos ang Club mabuti nalang na isara na lang niya 'to." Paliwanag ni Kalvin. "Then he give me a second chance. Pag may nangyari ulit na hindi maganda sa Club. He will really shut it down without informing me."

"I thought you owned the Club?" Nagtatakang tanong Kylie sa kaibigan. "Why do you let your Dad---"

"Because Tito cares about his reputation." Sabat ni Ram sa usapan. "Anak niya si Kalvin. Apelyido ni Kalvin ang apelyido niya."

"And that sucks." Bulalas ni Kalvin. "That's the hard part. Kailangan mong maging mabuti at gumawa ng tama sa harapan ng maraming tao kasi nga may apelyido kang iniingatan." Tsaka niya inubos ang natitirang wine sa baso. "Ang hirap naman maging anak ng isang kilalang negosyante."

For The First Time | KATHREID - Book ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon