Chapter 26

105 10 2
                                    

Sitio Camanggaaan
Barangay Hall
10:40am

TINANGGAP ni Siah ang paglalahad ng kamay ni Kapitan Rogelio Guarin nang matapos ang pag-uusap nila kasama ng ilang opisyales ng Sitio.

"Maraming salamat Siah, ija. Isa itong napakalaking tulong sa ating komunidad."

"Wala pong anuman, Kapitan. Para po sa ating Sitio. Para po sa ikauunlad at ikakaganda ng ating lugar." Sunod namang kinamayan ng Ginoo ang mga kasama ni Siah na sina Kalvin, Kylie at ang Sekretarya ni Ram.

Pinag-usapan nila ang pagpapaayos ng Sitio. Mula sa mga kalsada sa bawat kanto. Ang pagkakaroon ng mapagkukuhanan ng sapat na tubig bawat bahay. Ang pagpapaganda ng eskwelahan. Elementarya at Sekondarya. Maging ang Basketball Court at mismomg Barangay Hall pati ng iba pang mga lugar na maaaring pag ganapan ng anumang pagpupulong ay aayusin rin. Mabibigyan rin ang bawat pamilya ng mapagkakakitaan o hanapbuhay. Depende nalang sa kanila kung saan sila mas komportable. Magbibigay rin naman ng iba't ibang options ang pamahalaan para sa lahat ng mamamayan ng Sitio Camanggaan.

Hindi maipaliwanag ang sayang nararamdaman ni Siah. Unti-unti ng naisasakatuparan ang mga nais niya. Salamat kay Ram.

"Achieve na achieve na talaga natin ang pagbabago, Mare. Excited na ako." Masiglang sabi ni Kylie.

"Kaya nga, Mare." Naghawakan pa ng kamay ang dalawa at sabay na tumili.

"Ilang linggo nalang at uumpisahan na nila. Paano ba 'yan magiging abala kana rito, Siah." Sabat ni Kalvin habang nakasunod lang sa kanila sa paglalakad. "Masakit man sa akin na wag ka munang papasukin sa Shop pero kailangan. Pagtuonan mo muna ng pansin ang Sitio. Anytime pwede ka namang makabalik."

"Iyon sana ang ipapakiusap ko sa'yo. Kaya lang naunahan mo naman ako." Marahang natawa si Kalvin. "Pag maayos naman na babalik rin---"

"Walang problema sa akin." Nag approve sign ito.

"Salamat kung gano'n, Kalvin."

"Kami ang may mas malaking pasasalamat sayo, Siah. Sobrang laki ng naitulong mo sa pinsan ko." Anito habang tsaka nito hinakbayan ang dalaga. "Kaya lahat ng 'to. Lahat ng balak gawin ni Ram dito deserve mo."

Nabalitaan niyang hindi nga natuloy ang kasal ni Ram. Hindi na rin hinadlangan pa ng pamilya nito ang naging plano niya. At may bonus pa. Nagkaayos na rin daw ang mag-ama. Masaya siyang natulungan ang binata. Masaya siyang makita itong masaya lalo na ngayon na okay na sila ng pamilya niya.

Ngayon masasabi niyang wala siyang pinagsisisisihan sa naging desisyon niya na tulungan ito.

12:15pm

NAPUNO ng maiingay na tawanan at masasayang kwentuhan ang buong kusina habang kumakain ng tanghalian ang pamilya Mamorno kasama si Kylie.

"Bakit hindi mo na pinakain rito ng tanghalian si Kalvin, anak?" Ani ng Ginang habang nagsasandok ito ng ulam sa mangkok.

"Pinipilit na nga po kanina ni Siah, Tita. Kaya lang may importante daw pong pupuntahan." Tugon ni Kylie. "Hayaan niyo po nextime ako na po ang pipilit sa kanya. Malay niyo ako lang pala ang hinihintay niyang mangulit sa kanya." Umarte pa itong parang nakikilig.

"Sige, Mare. Ipaparating ko 'yan kay Kalvin."

"Uy, grabi." Kaagad niyang hinawakan ang braso ng katabi. "Char lang 'yon."

For The First Time | KATHREID - Book ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon