Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
•Mamorno's House• 10:45am
ABALA sa paglilinis ng kanilang bahay ang kanya Ina nang madatnan ito ni Siah.
Nagpasama kasi sa kanya ang Tita nito sa bayan. Upang mamili ng iba't ibang kakailangan dahil nga sa baka magtagal pa ang bagyo. Medyo tumila na rin ang ulan kung kaya't nakalabas na ang ilang tao sa lugar.
May mga naglilinis ng bakuran. May nag-aayos ng kani-kanilang bubong na sinira ng bagyo.
"Nay, ako na po riyan." Sabay kuha ng walis-tambo sa abalang Ina. "Ano pong nakain niyo't kay linis naman po nitong sala."
"Aba'y nakakahiya roon sa gwapong lalaki na dinala mo rito kagabi?" Sumilay ang ngiti sa mga labi ng Ina. "Baka isipin niya kay liit na nga lang ng bahay natin E hindi pa malinis ng tama." Hinatak pabalik ng Ina ang walis na hinamblot nito.
"Sobra naman na po ata 'yang malinis sinasabi niyo, Nay. E kaya na pong maging salamin niyang sahig sa sobrang kintab." Pailing-iling na sabi ni Siah bago nagtungo sa kusina.
"Samahan mo akong magluto niyang gulay. Matatapos na ako rito." Rinig niyang sabi ng Ina nang mailapag na sa mesa ang lahat ng pinamili niyang gulay sa palengke.
"Tama na po 'yan. Bawal po sainyo ang mapagod ng sobra, Nay." Nagtataka tuloy siya at bakit nalang ganoon ang kilos ng Ina. Na parang pinaghahandaan niya ang lahat para sa di-kilalang lalaki na ngayon ay natutulog sa kwarto nito.
Kung alam lang ng Ina niya na ang lalaking 'yon ay muntikan ng sumagasa sa kanya kahapon ay baka hindi ganyan ang inaasal nito. Baka nga hindi nito hinayaang makapasok ng bahay kagabi ang lalaki. Minabuti nalang niyang hindi ipaalam. Ayaw din niyang mag-alala ang mahal na Ina.
MATAPOS samahan ni Siah ang kanyang Ina sa pagluluto ng tanghalian. Tinungo na rin niya ang kanyang kwarto upang gisingin ang lalaki.
"Tulog pa rin siya hanggang ngayon, Ate." Sumulpot sa harapan niya ang kapatid na si Coco, disi-syete na taong gulang.
"Hindi pa ba nag-aalmusal? Sabi ko sa'yo gisingin mo na kanina, ah." Marahang binuksan ni Siah ang pintuan ng kanyang kwarto.
"Paano mo gigisingin 'yan, Ate. Parang patay na natutulog."
"Tumigil ka nga." Siniko niya si Coco sa may tagiliran. "Kumain kana nga. Ako na gigising." Tuluyan na siyang pumasok sa loob.
"Umayos ka, Ate. Baka pagsamantalahan mo 'yan. Kawawa naman, may itsura---" Hindi na pinatapos ni Siah ang walang kabuluhang sinasabi ni Coco. Pinagsaraduhan nalang niya ito ng pinto.