Chapter 17

89 10 0
                                    

Eastwood SubdivisionKhate's House10:20am

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Eastwood Subdivision
Khate's House
10:20am

MASAYANG sinalubong ni Khate ang mga magulang sa kanyang sariling bahay.

Bago pa man siya umuwi rito sa Pilipinas ay hiningi niya ang pahintulot ng Ama sa plano niyang bumukod na ng tirahan. Malaki na siya't kailangan na rin niyang magdesisyon para sa sarili. Gumawa ng mga bagay para sa sarili niya. At isa doon ay ang sanayin niyang tumira ng magisa.

Kahit nga labag sa loob ng mga magulang niya ang pagpunta niya ng London ay itinuloy pa rin niya ang pangarap na gusto niya. Ngayon nagbalik na siya sa lugar kung saan siya lumaki, kailangan na rin talaga niyang umalis sa lunga ng mga magulang. Hindi dahil sa ayaw niya silang makasama. Gusto lang niyang mas lumawak pa ang pananaw niya sa buhay.

"Daddy." Nakangiti nitong niyakap ang Ama.

"How are you, my sweetie?" Naramdaman niya ang mahinang paghagod ng kamay ng Ama sa kanyang likuran.

"I'm good." Umawat ito at sinunod naman na yakapin ang nagaantay rin na yakapin. Ang kanyang Ina. "Mommy. I miss you."

"We miss you also, Khate." Mahigpit na yakap ang binigay ng Ina sa matagal na hindi nakitang anak.

Matapos ang pagyayakapan nila'y inaya na ni Khate ang mga ito sa Salas para do'n makapag-usap. May mahalaga raw kasing sasabihin ang mga ito sa kanya kung kaya't binisita siya sa kanyang bahay.

"How are you here?" Ani ng Ginoo nang tuluyang makaupo sa sopa.

"Ayos lang ako rito, Daddy."Pirmi siyang naupo sa katapat na sopa ng mga magulang. "Parang hindi niyo naman ako kilala. I'm used to being alone." Kahit no'ng nasa London pa ito'y nasanay na siya na magisa sa bahay.

"Where are your maids here? Why don't I see even one?" Palinga-linga ang Ginang sa paligid at hinahanap ang mga katulong.

"I have no maids here."

"What?" Bakas sa mukha ng Ina ang pagkagulat. "Ano bang ginagawa mo sa sarili mo, Anak?"

"I'm fine here, Mommy." May sinseridad na sabi niya. "Do not worry. I can handle myself. I'm old enough and I know what I'm doing."

"Hindi ba't mas mahihirapan ka pag magisa ka lang? Ikaw ang aalaga sa sarili mo? Paano pag may sakit ka? Paano pag may hindi ka kayang gawin? Anak, nagaalala lang ako sa'yo."

"Kaya ko, Mommy. Trust me."

"Just call us if something---"

For The First Time | KATHREID - Book ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon