Chapter 28

90 10 0
                                    

Parajas Group of Companies/PGC
Conference Room
9:50am

HINDI na nakaimik ang ilang Board of Directors nang ilabas at ipakita ng Sekretarya ni Ram ang lahat ng dokumento na naglalahad ng katotohanan.

"Now tell me. Aren't those still true? I have evidence." Pabagsak na inilapat ni Ram ang mga palad sa mesa na ikinagulat ng lahat. "Those documents prove the thefts you committed in our Company, Mr. Joseph Fabito."

"How can you be sure that is all true, Mr. President?" Nilingon niya ang nagsalitang si Mr. Tigno.

"Mr. Fabito became close to us and especially to your family." Binaling naman niya ang tingin kay Mrs. Perez. "Hindi siya ganoong klase ng tao na gagawa ng ganyan lalo na ang sinasabi mong pagnanakaw."

"Exactly. How can he do all the things you accuse him of, Mr. President." Nagbigay rin ng saloobin si Mr. Garcia

"Nasa harapan na ninyo lahat ng mga ebidensya. Ngunit ayaw niyo pa ring maniwala." Inisa-isang tingin nito ang mga taong nakapalibot sa kanya. "Iniisip ko tuloy na hindi niyo lang ba matanggap dahil malaki ang tiwala niyo sa kanya at gano'n na lang niya kayo niluko? O, hindi niyo matanggap ang ginawa niyang 'yon dahil alam niyo sa sarili niyong parte kayo ng kapangahasang iyon?" Nakita ni niya ang mga reaksyon ng mga ito. Wala ng nagsalita pa. Bagkus ay nakayuko na ang mga ito at hindi magawang tignan si Ram. "I know many of you are unfaithful here. But I will not name you." Senenyasan nito ang kanyang Sekretarya upang lumapit na sa tahimik na si Mr. Fabito. "It would be nice if Mr. Fabito will tell you who you are, right Mr. Fabito?"

Matalim niyang tinitigan ang Ginoo habang binabasa nito ang mga papel na inabot sa kanya ng Sekretarya ni Ram. Nakasaad do'n ang mga maaapektuhan sakaling hindi niya aminin ang ginawa niya. Alam ni Ram na darating sila sa ganito sitwasyon na kailangan niyang bigyan ng pa-in ang isda para makuha. At sa gano'n wala ng ibang choice kung hindi ang umamin at lumabas mismo sa kanyang bibig ang katotohanan.

"Mr. President..."

"Wag po kayong padalos-dalos sa mga desisyon niyo, Mr. President."

"Enough!" Bulyaw niya na nakapagpatahimik na naman sa kanilang lahat. "I know what I'm doing. And I also know what you are doing." Mariin nitong sabi habang matatalim pa rin ang mga tingin sa kanila. "And it's time for me to find out who you are."

Nilingon niya ang nakaupong si Mr. Fabito. Natapos na niya marahil basahin ang nasa kanyang harapan. Ngayon ay nakahawak na ang kanyang magkabilang kamay sa kanyang ulo.

"Ram..." Sambit ni Mr. Fabito na mas ikinanuot ng noo mismo ni Ram.

"Never call me by my name." Mariing tugon nito. "I do not let worthless and greedy people say my name. And besides, my handsome name does not fit in your fvcking mouth. So I don't want to fvcking hear that from you."

"Mr. President." Padabog na tumayo si Mr. Tuazon. "Mr. Fabito still deserve the respect from you."

"Hindi ko nirerespeto ang mga taong ginagago ako at niluluko ang pamilya ko." Sinusubukang niyang pakalmahin ang sarili. "I can't forgive them. Remember this, I will make sure they will regret it. You will regret it." Aniya habang nakatuon ang paningin kay Mr. Fabito na wala pa ring imik.

"Are the allegations against you are true, Mr. Fabito?"

"We want to hear what you have to say and what you think about it." Lahat ng mga mata ay nakatuon na ngayon sa tahimik na si Mr. Fabito. "Ang bagay na tulad nito ay makakaapekto sa iyo. Masakit man sa amin ngunit kailangan naming malaman ang katotohanan mula sa mga paratang sa'yo. Totoo ba ang mga ito?"

For The First Time | KATHREID - Book ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon