Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
SA isang Indoor Swimming Pool na nila napiling maligo. Mag-gagabi na rin kasi. Isa pa mas gusto ng magpinsang Ram at Kalvin na sa pribadong pool area sila mamalagi.
Halos trenta minutos na silang naririto. Nagpahanda rin si Ram ng kanilang makakain. Tanging sila lang ang naririto sa malawak na pool area. Kung kaya't wala silang pakialam kung maingay ang tawanan nila dahil wala naman silang maiistorbo.
"Kalvin." Agaw atensyon ni Siah sa kumakain ng prutas na si Kalvin. Magkatabi sila ngayon sa mahabang bench. Habang sina Ram at Khate naman ay magkasamang naglalangoy. Samantalang si Kylie naman ay nasa kabilang pool at doon mag-isang naglalangoy.
"What?"
"Si Khate pala ang bababeng tinutukoy mo noon sa akin na pakakasalan sana dapat ni Ram."
"Yeah, it's Khate." Tumango ito tsaka kumagat sa hawak na mansanas. "Didn't I tell you her name?" Nakangiting umiling si Siah. "Sorry. It's Khate, yes."
"Yeah. We are childhood best friends, the three of us. But..." Nagkibit-balikat ito.
"Pero ano?"
"Kaibigan ang turing naming tatlo sa isa't isa." Panimula nito. "Kaya lang, dumating sa punto na kailangang magbago ang isa sa amin. Magkakaibigan nga kami kaya, alam mo 'yon." Lumagok muna ito ng in-can beer na iiniinom. "Hindi naman namin siya masisisi. 'Yon ang totoong niyang nararamdaman."
Nabaling ang atensyon niya sa dalawang nagwawasikan ng tubig sa di-kalayuan.
"Stop, Ram." Ani Khate na hindi pa rin siya tinitigilan ni Ram. "Please, stop. Enough." Tinatakpan na nito ang mukha dahil wala pa ring tigil si Ram sa malalakas na pagwasik nito sa kanya.
"No. You started it." Natatawang tugon ni Ram. "Come on."
"Kung nagkataon na nakasal silang dalawa..." Saad ni Siah habang nakatingin pa rin kina Ram at Khate na ngayon ay naghahabulan na sa tubig. "Ganyan kasaya ang relasyon nila."
"Khate loves Ram. It's been a long time. Even I, know that for so long." Muli siyang tumingin kay Kalvin habang nagsasalita ito. "But Ram only considered her a sister. Ram treats Khate as a younger sister."
"Alam ba ni Ram ang lihim na pagtingin ni Khate sa kanya?"
"Ngayon lang rin niya nalaman." Muli itong lumagok ng alak. "At iyon ang dahilan kung bakit nasaktan at nasasaktan at mas lalong nasasaktan si Khate. Dahil ang lalaking pinakamamahal niya ay kapatid lang ang turing sa kanya." Napagkawala ito ng buntong hininga. Ramdam ni Siah ang lungkot sa boses ni Kalvin. "Lalo na ng nalaman niyang kinasal si Ram sa iba para lang hindi matuloy ang kasal nilang dalawa. Sobra siyang nasaktan na dumating sa punto na nagalit na siya ng sobra kay Ram dahil sa ginawa nito sa kanya. Nagawa niyang magalit at kamuhian ang lalaking pinakamamahal niya."