HINDI pa rin makapaniwala ang dalawang magkaibigan sa nakikitang bagay na inilabas mismo ni Siah mula sa puting sobre. Pinatong ito sa mesa na gawa sa kawayan. Kasalukuyan silang nagkakape sa balkonahe ng tahanan.
Nananaginip ba siya o ano? Pero kakagising niya lang. Ngayon lang mismo. Kaya imposibleng nananaginip lang ito. Pero hindi pa rin talaga niya mawari kung bakit naman siya pagkakalooban ng ganitong halaga. At hindi aangkop sa dapat niyang lang masahod.
"Siguro ka bang 'yan mismo ang inabot sa'yo ni Sir Kalvin?" Paniniguro ni Kylie bago sumimsim ng kape.
"Mare, O. May logo ng DarkLight Club. May perma ni Sir Kalvin." Tinaas niya ang sobre at tinapat sa mukha ng kaharap. "Ito nga 'yong inabot niya, Mare. Tignan mo, may pangalan pa ako. Siah Mamorno." Nilapag niyang muli ang sobre.
"Wala ngang duda, Mare. Sa'yo nga 'yan." Panay pa ang turo ni Kylie sa perang nasa harapan nila. Pero sobra naman atang sahod 'yan kung waitress lang ang trabaho mo." Napaso sa noo si Siah habang malalim pa rin ang iniisip sa kung bakit ganito naman kalaki ang halagang ibibigay sa kanya.
"Kausapin ko kaya?"
"May phone number ka ba niya?"
"Oo."
"Talaga? Bakit mayroon ka?" Pilyong ngiti ang lumabas sa mga labi ni Kylie. Tila balak asarin ang kaibigan. "Ikaw, ah. Baka may di ka sinasa---"
"E binigay niya. Ano ka ba! Lahat ng workers niya dapat lang na may numero kami sa kanya." Paliwanag ni Siah sa nakangiti pa rin na kaibigan. "Tawagan daw pag may importante. Kung may emergency at hindi makakapasok. Mala-late, ganito-ganyan."
"O, sige na. Tawagan mo."
"Anong sasabihin ko?"
"Sabihin mo. Hello, Sir Kalvin. Kakabilang ko lang po nung perang nasa sobre na inabot niyo sa akin kagabi. Baka po nagkamali kayo ng naibigay. Kasi imposible naman pong sa loob ng labin-dalawang araw ay makakasahod po ako ng dalawampong libo. Daig ko pa po ang mga namamasukan sa opisina ng kataas-taasang heneral---"
"Ay! Wag naman ng ganyan, Mare."
"Basta tawagan mo nalang. Bahala na sa kung anong lumabas diyan sa bibig mo." May punto naman ito. Gusto lang naman malaman kung bakit nga ganitong pera ang ibinigay sa kanya. "Teka-teka! May tao sa banyo?"
"Ewan. Tignan mo."
"Dito ka muna." Tumayo at muling humigop ang kape sa tasa nito. "Kanina pa 'to E. Ilalabas ko lang. Tawagan mo na siya." Ani Kylie bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay.
"Wala naman sigurong masama na magtatanong ako?" Nahihiya man ay nagpasya na siyang hugutin sa bulsa ng maong na short ang telepono. "Hoo! Relax, Siah. Magtatanong ka lang. 'Yon lang. Wag ka ngang kabahan." Bulong nito sa sarili. Nagpakawala muna siya ng ilang magkakasunod na buntong-hininga bago nagpasyang pindutin ang numero ni Kalvin.
Agad siyang tumayo sa pagkakaupo at nagsimulang maglakad-lakad habang hinihintay si Kalvin na sumagot.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.