Santa Barbara Public Market
12:15pmSABAY na lumabas ang magkaibigang Siah at Kylie sa isang botika sa may loob ng pamilihan.
Maliban sa mga gulay at prutas na kinakain ng kanyang Ina ay isa ring tulong ang mga gamot na iniinom nila. Hindi pa naman ubos ang pang isang linggong mga gamot ngunit binili na niya ngayon ang para sa susunod na linggo.
"Salamat talaga, Mare. Hayaan mo pag naka-bale na ako sa trabaho, babayaran ko agad 'to." Pinulupot nito ang kamay sa braso ng kaibigan. "Nakakahiya. Ang dami ko ng utang sa'yo, Mare.
"Ayos lang." Marahan nitong tinapik ang kamay ni Siah. "Kahit sa ganitong paraan ay makatulong naman ako sa inyo, sa iyo."
"Makakabawi rin ako sayo, Mare." Napahinto sila sa paglalakad at tumapat sila sa may pedestrian lane.
"Gusto mo talaga bumawi?"
"Oo naman. Bakit hindi?" Mabilis niyang tugon aa nakangiting si Kylie. "Sa dami na ng mga naitulong mo. Gusto ko rin na kahit papaano ay maibalik lahat 'yon sa'yo."
"Kung gano'n." Napaisip pa ito sa sasabihin. "Sapat na sa akin na magkaroon ng mga magaganda't kay gwa-gwapong mga pamangkin mula sa inyo ni Ram, Mare." Pinang-gigilan ni Kylie ang braso ni Siah.
"Ano?" Mabilis nitong tinapunan ng tingin si Kylie na pana'y ang papikit-pikit ng kanyang mga mata na animo'y sumasayaw at umiindak sa saya.
"Tara, tara." Hinala na nito si Siah nang magsimula ng maglakad ang mga tao patawid sa kabilang kalsada. "Gawin mo akong ninang, Mare. Tapos gusto ko 'yong pangalan ko nasa unahan ng imbitasyon, ah."
"Ano bang sinasabi mo diyan?"
"O, bakit? Wala namang masama sa sinabi ko. Mag-asawa naman kayo, kasal kayo diba?"
"Alam mo naman ang dahilan kung bakit kami kinasal diba?" Malapad ang ngiti na pinukol niya kay Kylie. "Nando'n ka."
"Ibig sabihin..." Nagpakawala ito ng buntong-hininga. "Maghihiwalay din kayo."
"Doon talaga kami papunta, Mare. Maghihiwalay at maghihiwalay rin kami. 'Yon ang napagusapan namin ni Ram." Malinaw sa kanya ang lahat. Alam niya 'yon. Alam niya kung ano ang pinasok niya. Kung ano ang pinili niyang desisyon.
"Hindi naman siguro gano'n kadali 'yon, Mare. Kakakasal niyo palang."
"Matatagalan pa bago asikasuhin ni Ram lahat. Madami pa siyang kailangang unahin." Paliwanag nito. "Isa pa, ayos lang naman sa akin kahit kailan niya gustuhing asikasuhin ang paghihiwalay namin. Siya na ang bahala do'n."
"Ayos lang sa'yo?"
"Na ano?"
"Na maghiwalay kayo."
"Oo naman, Mare." Natatawang tugon ni Siah. "Hindi na dapat tinatanong kung ayos lang ba sa akin kasi alam naman nating hindi 'yon isang totoong kasal." Wala siyang karapatang handlangan 'yon dahil iyon ay isa lamang pabor na kanyang pinaunlakan.
BINABASA MO ANG
For The First Time | KATHREID - Book I
FanfictionWhen was the last time you did something FOR THE FIRST TIME? Started: May 21, 2020 Ended: August 6, 2020