NAKAHINGA naman na maluwag si Siah ng tuluyang makapasok sa Comfort Room nitong Darklight Club. Mabuti nalang at senenyasan siya ni Kalvin na mauna ng lumabas ng Private Room at hinintay nalang ang Amo sa labas kundi hindi niya alam kung paano ang iaakto sakaling makita siya ni Ram na naroroon.
Hindi lubos aakalain na makikitang muli ang kinakainisang lalaki. Halos isang linggo na nakakalipas simula nang nilisan ni Ram ang Sitio Camanggaan ngunit memoryado pa rin ni Siah ang pagmumukha ng lalaking hindi niya halos maka-sundo.
"Relax, Siah." Ngumiti ito sa harap ng salamin at pinakalma ang sarili. "E ano kung nandito 'yong lalaking 'yon? Tandaan mo, Siah! Nagtra-trabaho ka rito. Wala ka dapat ikahiya. Marangal ang pagiging---"
"Kyaaa! Did you see him, girl?" Hindi na naituloy ni Siah ang pangangaral sa sarili nang may dalawang kababaihan na pumasok sa naturang lugar. Agad siyang yumuko't naghugas ng kamay nang wala sa oras. "Ghaad! Ang gwapo talaga niya."
"Truth! Makalaglag panty at bra talaga ang kagwapohan ni Ram." Napamulagat ng mata si Siah at tila'y nabingi sa sinabi ng katabing babae na naglalagay na ngayon ng lipstick sa labi.
"Gwapo na nga mayaman pa. Bonus pa ang pagiging hot and sexy niya." Dugtong pa ng isa pang babae na nag-aayos ng blonde nitong buhok. "Ghaaad! Kanin nalang kulang, girl."
Sinulyapan niya ang dalawang babaeng kasama sa loob. Mukhang mayaman ang mga 'to. Magaganda rin ang kanilang suot. At namumukadkad ang kapal ng make-up nila sa mukha. Aakalain mong pinagpapalo ng dos por dos na tabla ang magkabila nilang pisngi sa pula.
"Sa second floor siya dumiretso. Sa Private Room. Hindi kaya may kikitain siyang babae?"
"Baka 'yong nakita rin nating matangkad at magandang babae na parang model kung titignan? Doon rin siya dumiretso sa may second floor."
Nagpasya nang lumabas si Siah. Hindi na kinakaya ng tenga niya ang mga naririnig na papuri ng dalawang makoloreteng babae sa kinakainisan niyang lalaki.
•DarkLight
Second Floor-Private Room No.7•
10:20pm"Seryoso ka, Bro. Manunuod lang ng mga movies gagawin mo rito?" Marahang bulong ni Kalvin sa katabing si Ram.
"Ssh! Malapit ng matapos." Senenyasan niya si Kalvin na tumahik tsaka na itinuon ang atensyon sa pinapanood.
Magda-dalawang oras na sa loob nitong silid si Ram kasama ang pinakilalang babae ng pinsan nito na walang ginawa kundi ang kulitin siya. Panay ang yakap nito sa baywang, braso at balikat niya. At 'yon ang pinaka ayaw niya sa lahat. Ang hinahawak-hawakan siya ng kung sino lalo na ng babae.
Kung hindi pa dumating si Kalvin para samahan sila ay hindi pa lalayo ang parang linta kong makakapit na babae sa kanya.
"Come on! Let's have a cheers." Binasag ni Kalvin ang katahimikang namumutawi sa kanilang tatlo. Itinaas nito ang hawak na bote ng beer. "Jilliana?" Inagaw niya ang atensyon ng dalaga mula sa panunuod.
"Oh, sure. Yes." Kinuha niya ang nakalapag na baso na may lamang wine.
"Bro." Siniko niya si Ram. Kinuha rin nito ang bote ng beer sa harapan at sabay-sabay nilang itinaas sa ere. "For the friendship! Cheers!"
![](https://img.wattpad.com/cover/226063954-288-k231958.jpg)
BINABASA MO ANG
For The First Time | KATHREID - Book I
FanfictionWhen was the last time you did something FOR THE FIRST TIME? Started: May 21, 2020 Ended: August 6, 2020