Chapter 18

100 11 0
                                    


Parajas Group of Companies/PGC
Office of the President
10:15am

TUMUON ang tingin ni Ram sa may pinto nang iniluwa nito ang kanyang Sekretarya. Binuhat nito ang katawan mula sa pagkakasandal sa kanyang swivel chair upang ayusin ang pagkakaupo.

"Sir Ram." Lumapit ito tsaka marahang yumuko upang magkapagbigay galang. "Narito na po si Attorney Torres."

"Papasukin mo." Agad tumayo si Ram upang ayusin ang kanyang pang-opisinang kasuotan.

"Yes, Sir." Muli itong nagbigay galang  tsaka na nagmadaling lumbas ng opisina. Naglakad naman palapit sa pinto si Ram upang salubungin ang bisita.

"Good day, Attorney Torres." Agad niyang inilahad ang kamay sa Ginoong kakapasok pa lang sa loob. "James Abraham Suarez Parajas."

"Nice to meet you, Mr.Parajas." Tugin nito bago tinanggap ang kamay ni Ram. "Attorney Kiko Torres at your service."

Inaya na niyang maupo ang Attorney sa sopa para mapag-usapan ang plano niyang maikasal lalong madaling panahon. Sa tulong ng Ginoo na siyang magkakasal sa dalawa.

"I want to get married soon, Attorney. I need your help." Diretsahang sabi nito habang bakas sa mukha ang sinseridad. "At alam kong matutulungan mo ako." Isang kilalang magaling na Lawyer at Attorney ang Ginoo. Kaya ito ang napili niyang magkasal sa kanila ni Siah.

Mabuti nalang at may pakinabang sa kanya ang pinsang si Kalvin na siyang nagrekumenda sa Attorney.

"Of course, Mr.Parajas. Maaasahan niyo ang tulong ko." Nakangiti nitong sabi. Mabuti naman at agad siyang pinaunlakan nito.

"Thank you so much, Attorney."

"When do you plan to get married so I can prepare the documents right away?"

"By next month, second week."

"Alright. I'll take care of everything, Mr. Parajas." Matamis na ngiti ang itinugon ni Ram.

Hindi na rin nagtagal ang Ginoo. Maya-maya pa'y nagpasya na ring umalis si Attorney Torres dahil may iba pa 'tong kailangang kausapin at asikasuhing bagay.

"And one more thing Attorney."Hinarap siya ng Ginoo na sana'y lalabas na ng pinto. "Can we keep it a private?" Ang ibig niyang sabihin ay ang tungkol sa pagpapakasal niya.

"Of course, Mr. Parajas."

"Just call me if you have any more questions. And if you need anything else, Attorney."

"Yes. Don't worry I will." Tsaka na tuluyang nilasan nito ang opisina. Bumalik na si Ram sa kanyang swivel chair at doon ay pirming naupo.

Kahit papaano ay nabawasan na rin ang mga iniisip nito. Nakahanap na siya ng Attorney para sa kasal. Ang kailangan nalang ay kung paano niya mapapapayag si Siah sa plano 'to. Ni hindi pa nga niya nakakausap ulit.

May dalawang linggo pa bago ang sinabi nitong araw ng kasal. Sinadya niyang gano'n katagal dahil sa kailangan pa nga niyang mapapayag ang dalaga na sa iniisip nito'y parang malabo. Malabo na tanggapin ni Siah ang alok niya. Ngunit susubukan pa rin niya at hindi siya titigil.

Tumuon ang atensyon niya sa tumunog na telepono sa tabi ng kanyang laptop. Nang makitang si Kalvin pala ang tumatawag ay di na siya nagdalawang-isip na sagutin ito. Lalo na't sa panahon ngayon tanging pinsan lang niya ang makakasama niya.

Kalvin 📞 Ram

Kalvin: Hey, Bro. Ano na?

Ram: Yeah.

For The First Time | KATHREID - Book ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon