Chapter 14

105 10 0
                                    

This Chapter is dedicated to
JolinaCalimquim
Happy birthday, Sister!
Iloveyou♡

Dark Light
Kalvin's Office
10:15am

NAKAUPO si Ram sa may sofa na pailing na napapangiti habang pinagmamasdan ang pinsang si Kalvin na aligaga na ginagabayan ang mga bodyguards ni Ram.

Kasalukuyan kasing pinapasok ang mga kahon na naglalaman ng alak para kay Kalvin.

Cachaça is the most popular liquor in Brazil and the main ingredient in caipirinhas

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Cachaça is the most popular liquor in Brazil and the main ingredient in caipirinhas. There are literally thousands of cachaça distilleries in Brazil, so try out a few brands while you're there and bring home a bottle of your favorite.

"Dahan-dahan lang." Ani Kalvin sa isa sa mga tao ni Ram. "Dito niyo na ilagay yong iba."

"Kasya na ba 'yan para sa isang buwan?" Nakangising tanong niya sa pinsan na palapit na sa kanya. "Twelve bottles per box. So, twelve times ten equals one hundred twenty bottles. Kung tatlong bote kada araw ang maiinom---"

"Gusto mo ba akong mamatay." Pabagsak na upo ni Kalvin sa tabi nito. "Hindi ako ang uubos niyan."

"So, you're going to sell it."

"Yeah. I will make different flavors of these. I'm just adding some ingredients to create new wine flavors."

"Ako unang titikim, ah." Tsaka nag fist-bump ang dalawa.

"Thanks, Bro." Napangisi lang si Ram at marahang isinandal ang likod sa kina-uupuan at inihiga ang ulo.


Kaninang ala-sais lang siya dumating rito sa Pilipinas. Hindi na siya natulog. Nakatulog naman  siya ng matagal sa eroplano ngunit parang pagod pa rin ang katawan niya.

Maya-maya pa'y napalingon ang dalawa sa bumukas na pinto. At iniluwa do'n ang babaeng nagmamadaling lumapit kay Ram nang makita siya nito.

"Hey." Napaupo siya sa tabi ni Ram at agad itong yumakap sa binata. "You're here now. Namiss kita." Yumakap na rin pabalik si Ram.

"Siguro naman titigil kana kakakulit sa akin, Khate. Dumating na 'yong kakulitan mo." Umawat na ang dalawa sa pagyayakapan nang magsalita si Kalvin.

"Grabi ka naman. Hindi naman ako masyadong makulit, ah." Depensa nang dalaga at umayos ng pagkakaupo sa tabi ni Ram. "Wow." Agad siyang napatakim ng bibig nang makita ang mga kahong nakalapag sa sahig sa may di-kalayuan sa kanila. "Where did you get those, Kalvin?" Nilingon niya ang naglalakad palayo na bulto ng lalaki. "Wait. Is that Cachaçac?"

For The First Time | KATHREID - Book ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon