Chapter 27

103 9 0
                                    


HALOS hindi mahawakan ni Siah ng maayos ang kutsara't tinidor habang kumakain.Panay ang bitaw niya sa mga iyon at sa halip na mabusog sa pagkain ay sa tubig siya nabubusog.

Ayaw niyang makisali sa usapan ng tatlo. Kung maaari ay umalis na siya at isasama na niya ang kaibigan ngunit alam niyang nakakahiyang gawin 'yon. At magtataka 'tong kararating lang na binata na panay ang tingin sa kanya. Kaharap lang kasi niya ito sa hapag. Kaya kahit nakayuko siya ay naaaninag pa rin niya ang inaakto ng kaharap.

"Uy, Mare. Ayos ka lang?" Pasimpleng bulong ni Kylie na katabi lang niya. Nilingon niya ito at marahang tumango. "Hindi halatang ayos ka. Tignan mo nga, naka dalawang baso kana ng tubig. Baka malunod kana niyan." Do'n lang siya nag-anggat ng ulo at pinagmasdan ang dalawang baso walang na ngang lamang tubig.

Nagpakawala siya ng buntong-hininga bago bumalik sa pagkakayuko. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Hindi naman siya ganito kanina.

Dumating lang si Ram para na siyang ewan. Hindi mapakali at kung anu-ano na naman ang iniisip. Dumagdag pa ang ginawang paghawak ng binata sa braso niya. Oo, at ilang beses ng ginawa 'yon sa kanya ngunit gaya ng mga nauna. Umiiba ang pakiramdam niya sa tuwing naglalapit ang mga parte ng katawan nila sa isa't isa. At iyon ang hindi niya maipaliwanag kung bakit gano'n. Lalo pa kanina na habang papasok sila sa Club ay nakahakbay si Ram sa kanya. May mga nakakasalubong silang waiter at waitress na nagmamadali sa pagbibigay ng orders at inilalayo siya ni Ram sa mga iyon. Hindi na nga ata niya mabilang kung ilang beses ginawa ni Ram 'yon hanggang marating nila ang opisina.

Nang matapos silang kumain ay nagyaya si Kalvin sa isa sa mga pribadong kwarto rito at do'n sila nanatili. Pinagpatuloy nila ang kwentuhan ro'n. Hindi pa rin makakilos ng maayos si Siah dahil nga sa mata na kanina pa umaaligid sa kanya. Hindi niya mainitindihan ang sarili kung bakit nahihiya siyang tignan ang binata. Kaya panay nalang ang iwas niya. Salamat naman at hindi siya tinatanong o kinakausap ni Ram dahil baka mahalata nitong naiilang siya.

Hanggang sa maisipan ng magpinsan na uminom kung kaya't nagpasya na rin ang magkaibigang si Siah at Kylie na mauna ng umuwi.

"Ikaw na magsabi, Mare. Nahihiya ako." Bulong niya sa kaibigang si Kylie. Magkatabi isa sa may sopa. Kaharap nila ang dalawang magpinsan na abala sa paguusap.

"Bakit ako, ikaw na lang. Tignan mo nga parang seryoso silang naguusap tapos sasabat ako. Ikaw nalang."

"Mas ako. Sabihin mo lang na uuwi na tayo kasi baka wala na tayong masak---"

"Kylie?" Nang marinig nila ang boses ni Kalvin ay kaagad silang umayos ng upo at hinarap ang binata. "Magpapasama sana ako sa'yo sa kusina. May lulutuin lang ako. Mabilis lang naman 'yon. Ayos lang ba?" Mabilis pa sa alas-kwatro nilingon ni Siah ang kaibigan. Ngunit ang tingin nito ay nakay Kalvin na parang naguusap ang dalawa sa mata.

Marahan niyang inapakan ang paa ni Kylie upang makuha ang atensyon nito ngunit hindi siya pinansin bagkus ay tumayo ito.

"Sige." Masiglang tugon nito. "Walang problema. Tara."

Hahawakan na sana niya ang braso ng kaibigan upang pigilan ito ngunit mabilis namang hinila iyon ni Kalvin at mabilis na ang mga itong lumabas ng silid.

Para siyang binagsakan ng langit at lupa ng sabay dahil sa hiyang nararamdaman ng mapagtanto niyang dalawa nalang sila ni Ram rito sa loob.

"How are you?" Marahan siyang lumingon sa kaharap. Nakapirmi lang itong nakasandal sa may sandalan ng sopa at seryoso siyang pinagmamasdan.

"Ha?"

"Kanina ko pa gustong itanong 'yan sayo. Kaya lang parang ayaw mo naman akong kausapin." Tsaka ito lumagok ng alak.

For The First Time | KATHREID - Book ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon