Sitio Camanggaan
6:20pmSABAY na naglalakad sina Kylie at Siah habang tinatahak ang daan pabalik sa tahanan ng Pamilya Mamorno.
"Pasensya kana, Mare. Isaw tsaka dugo at paa ng manok muna malilibre ko sa'yo ngayon." Ani Siah sa kasama na sarap na sarap sa kinakain. May pahigop pa siya sa suka nasa plastic cup.
"Ano kaba. Ayos lang 'to, Mare." Ahad niyang tugon. "Naiintindihan ko naman na kailangan mo munang magtipid ngayon. Itago mo muna 'yang sahod mo para sa mga gagastosin niyo."
"Pag nakaluwag-luwag na ako, pramis. Kakain tayo sa labas, Mare."
"Ayos lang kahit ganito." Tinaas niya ang hawak na baso."Sapat na sa akin 'tong isaw-isaw lang. Parang hindi mo naman ako kilala."
"Iyon na nga. Kilala kita kaya alam kong---"
"Nako, Mare. Alam mong hindi ako gano'ng klase ng tao." Pagtatama niya sa sinabi ng kaibigan.
"Biro lang." Natatawang sabi Siah. 'Alam ko naman 'yon. Kaya nga ang swerte ko, dahil mayroon akong kaibigan na gaya mo."
"Maswerte rin naman ako. Maswerte tayo pareho."
"Sige na. Oo na diyan."
Ang mahalaga ay hindi ang mayroon tayo sa buhay. Kung anong kalagayan natin. Kung anong antas ng pamumuhay natin. Ngunit kung sino ang mayroon tayo sa ating buhay. Kung sino ang mga taong handa kang tulungan at samahan sa saya man o sa lungkot.
Pinagpapasalamat niya na nabiyayaan siya ng isang Kylie. Isang kaibigan. Isang kapatid. Isang kasama at karamay sa lahat.
"Mare?" Nilingon ni Siah ang napahinto sa paglalakad na si Kylie. "Gusto sana kitang makausap."
"Tungkol saan?" Sinundan niya ng tingin ang naglalakad na si Kylie patungo sa isang mahabang upuan na gawa sa kawayan. Sa may di-kalayuan lang sa kinatatayuan nila. "Anong paguusapan natin?" Aniya nang tuluyan na siyang naupo sa tabi ni Kylie. "Mukhang seryoso naman, Mare. Hindi ako sanay."
"Ano kasi, Mare. Ewan ko kung alam mo na o nakausap kana niya tungkol dito." Nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Siah. "Kasi alam mo naman, Mare. Kaibigan natin siya. Kung sa ganitong paraan---"
"Teka-teka." Tinaas nito ang kamay na parang pinapatigil muna ang kaibigan sa pagsasalita. "Hindi kita naiintindihan."
"Patapusin mo muna kasi." Mabilis niyang tugon. "May nasabi na ba sa'yo si Kalvin?" Sandaling nagisip si Siah kung mayroon nga. Ngunit wala siyang maalala.
"Wala naman." Napailing na sagot nito. "Nagusap kami lastweek sa Coffee Shop. Pero wala naman siyang nababanggit o nasasabing importante."
Napansin niyang hindi mapakali ang kaibigan. Panay ang pakawala nito ng malalalim na buntong hininga. Na tila'y kinakalma nito ang sarili sa hindi malamang kadahilanan.
"Si Ram? Nagkausap na ba kayo?"
Doon niya naintindihan at nalaman ang gustong iparating ni Kylie sa kanya. Marahil nakausap na ito ng magpinsan tungkol sa kasal magiging solusyon sa problema. Kasal na inaalok ni Ram sa kanya na tinanggihan niya no'ng kinausap siya nito nung nakaraang linggo.
"O-oo."
"So, alam mo na?" Masiglang sabi ni Kylie na sinabayan pa ng paghawak niya sa braso ni Siah. "Gusto kang pakasalan ni Ram. Waaaaa! Ang ganda-ganda talaga ng kumare ko. Nako! Nakaka-excite 'to! Ngayon pa lang kinikilig na ako."
BINABASA MO ANG
For The First Time | KATHREID - Book I
FanfictionWhen was the last time you did something FOR THE FIRST TIME? Started: May 21, 2020 Ended: August 6, 2020