Chapter 29

86 11 0
                                    

Kal Coffee Shop1:25pm

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kal Coffee Shop
1:25pm

MATAPOS ang contract signing agreement ng Kompanya nila Ram sa iba't ibang bansa ay dumiretso siyang Coffee Shop kung saan naroroon ang pinsang si Kalvin. Malapit lang naman ang pinag ganapan ng event sa Coffee Shop kaya nagpasya siyang dumaan saglit.

"Astig, bro." Nakipag fistbump si Kalvin sa kaharap. Nakaupo sila sa isang bar table style. "Talagang business man na business man na ang dating mo, ah. Ang daming paparating na projects. Well, I know you deserve those. Kaya, Congrats.

"Kilala kita. Ano na namang kailangan, bro?" Pailing-iling na tugon ni Ram.

Sa tuwing nakakatanggap siya ng mga papuri at pagbati mula rito ay dalawa lang ang ibig sabihin. Una, may iuutos ito sa kanya o ipapagawa. Pangalawa, hihingi ito ng pabor sa pamamagitan ng paghiram o paghingi ng pera sa kanya. Ngunit kahit pareho man ang piliin ni Kalvin ay ayos lang kay Ram. Handa pa rin naman siyang tulungan ang pinsan. Para saan pa't magka-apelyido sila.

"Balak ko kasing ano..." Nagdadalawang isip pa siya kung ipapaalam niya ang problema niyang 'yon kay Ram. Alam naman niyang kakagaling lang nito sa isang malaking problema. "Wag nalang, bro. Sasarilinin ko nalang muna 'to. Keri pa naman. Kaya pa."

"Okay." Nagkibit-balikat ito tsaka sumimsim ng iced tea. "Sabi mo 'yan." Nakangiting binalingan nito ang di-mapakaling si Kalvin. Tila nakapagsabi ito ng mga salitang hindi na niya sana sinabi. "Sasarilinin mo 'yang mukha mo, siraulo. Sabihin mo na. Dami mo pang arte diyan."

"Sabi na E. Alam kung hindi mo ako matiis." Pagmamalaking tugon nito. "Sa gwapo kong 'to."

"Shut up. Wala akong pakialam sa mukha mo. Tell me, what is it?"

"Ito nga kasi, bro." Inayos nito ang pagkakaupo. "Balak ko kasing magtayo ng isa pang Kal Coffee Shop pero this time sa Makati."

"Then, what is the problem?"

"Iyon na nga. Medyo alam muna. Nakulangan tayo sa budget, bro. E gusto ko na talagang maumpisahan." Tango lang ng tango si Ram habang matamang nakikinig. "Alam naman natin pareho na sa ating dalawa, ikaw ang may mas maraming pera. Iniisip ko tuloy kung pati lalagyanan ng mga sapatos mo E lalagyanan mo na rin ng pera. Hindi mo na alam kung saan na 'to itatago sa sobrang dami."

"Tarantado." Pareho silang natawa at sabay na sumimsim ng iced tea.

"Pero seryoso, ibabalik ko rin naman, bro. Kilala mo naman ako, diba?"

"Punta ka ng opisina bukas. Let's talk about that."

"Really?" Masigla nitong sabi. Lumapad na ang ngiti sa mga labi nito. Tumango si Ram bilang tugon. Mabilis namang tumayo si Kalvin at niyakap ang pinsan. "Thank you. The best ka talaga, bro."

For The First Time | KATHREID - Book ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon