Chapter 41

92 9 0
                                    

ReidLandRam's House10:20am

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ReidLand
Ram's House
10:20am

BINISITA ni Ram ang kanyang sariling bahay kasama ang pinsan nitong si Kalvin. Nagsama rin siya ng mga kasamahan nila sa mansyon na mga katulong upang linisin ang naturang bahay.

Ilang araw na rin ang nakakalipas magmula ng kumalat ang mga larawan ni Siah sa Social Media. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nasasabi sa babae ang tungkol sa plano niyang isama ang itong tumira sa iisang bahay. Nakapagpasya na nga ang pamilya Parajas na gano'n na nga ang dapat ang mangyari. Na mas makakabuti kong magsasama na silang dalawa ni asawa.

Habang abala ang mga dinalang tao ni Ram sa paglilinis ng buong bahay ay nasa may Kitchen Island Counter naman ang magpinsan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Habang abala ang mga dinalang tao ni Ram sa paglilinis ng buong bahay ay nasa may Kitchen Island Counter naman ang magpinsan.

"Ang mahirap do'n, bro. Pag hindi pumayag yung tao." Ani Kalvin tsaka ininom ang kanina'y binuksan bottled juice.

"That's what I'm thinking." Nagpakawala ito ng isang malalim na buntong hininga. Kahit pa buo na ang desisyon niya, nag-aalangan pa siya kung papayag ba si Siah sa nais niyang mangyari. "But this is what we need to do."

"For sure Siah will understand that."

Hindi rin kasi niya alam kung ano bang tumatakbo sa isipan ng dalaga. Nagkikita naman sila halos araw-araw. Hatid-sundo niya 'to sa trabaho. Alam niyang naapektuhan talaga si Siah sa balitang iyon. Ayaw muna niya sanang dagdagan ang iniisip nito ngunit sa palagay niyang kailangan na niyang ipaalam sa misis ang nais niyang mangyari.

Kinuha nito ang sariling telepono sa harapang bulsa ng kanyang maong na pantalon tsaka nag-type ng mensahe para kay Siah.

Let's eat lunch outside. See you.
-Ram

Sana nga maintindihan ni Siah na ito ang makakabuti para sa kanilang dalawa.

Kal Coffee Shop
11:10am

NAKATINGIN sa kawalan ang nakatayong si Siah habang hinihintay ang ginagawang orders ng mga kustomer.

Nagpapasalamat naman siya't naging tahimik ang isang buong linggo niya. Kahit na laman pa rin ng balita at dyaryo ang mga larawan niya. Sabi nga ni Ram sa kanya ay hayaan nalang nila ang balitang iyon. Hindi rin naman tumitigil si Ram na maimbestigahan ang naturang pangyayari. May mga tao na siyang kinausap para samahan siya sa pagtuklas sa mga taong may pakana no'n.

For The First Time | KATHREID - Book ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon