Chapter 39

95 10 0
                                    


Santa Barbara Public Cemetery9:20am

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Santa Barbara Public Cemetery
9:20am

NAKATAYO ang pamilya Mamorno sa harapan ng libangan ng yumaong haligi ng tahanan.

Isang taon na rin ang nakakalipas at dumating muli ang araw ng kaarawan ni Nanay Ana. Nagpasya silang pagkatapos nilang magsimba'y didiretso silang sementeryo upang bisitahin at ipagtirik ng kandila ang nakahimlay na Ama.

"Pasensya kana kung ngayon lang ulit kami nakadalaw sayo, Ador." Ani ng Ginang habang pinapatayo ang may sinding kandila.

"Narito po pala ang mga nakuha kong medalya no'ng Graduation po namin no'ng nakaraang linggo, Tay. Maingat nitong nilabas ang mga medalyang nasa loob ng kanyang leather shoulder bag na bigay sa kanya ni Kalvin no'ng araw rin ng kanyang pagtatapos ng sekondarya. "Ako pa rin po ang nanguna sa klase, Tay. Nasasabik na po akong mag-Kolehiyo. Wag po kayong magalala, sasamahan naman po ako ni Ate na mag-enroll ro'n po sa sinasabing eskwelahan ni Kuya Ram."

"Unti-unti na pong natutupad ang mga pangarap niyo, Tay." Nakangiting sabat ni Siah. "Maayos na po ang kalusugan ng Nanay. Sa awa ng Diyos, sa isang buong taon hindi po sila inatake ng sakit nila sa puso. At base po sa sinabi ng doktor, gumagaling na po ang Nanay." Marahang sinandal nito ang ulo sa balikat ng Ginang na katabi lang nito. "Papasok na po sa Kolehiyo si Coco at ilang taon pa po mula ngayon ay makakapagtapos na rin po siya. Magkakaroon ng magandang trabaho."

"Pagbubutihin ko pong mabuti, Tay. Pangako po iyan."

"Ang lalaki na ng mga anak natin, Ador." Pinasadahan ng tingin ng Ginang ang magkatabing mga anak. "Ang panganay mo, may asawa na. Ilang taon pa mula ngayon ay magkakaroon na tayo ng mga apo."

"Nay, wala pa po 'yan sa isip ko." Seryosong sabat ni Siah sa Ina. "Tsaka isa pa po, Tay. Diba, alam niyo naman po kung paano po kami nagsimula ni Ram." Bago kasi siya noon magpasya na pakasalan ang lalaki ay dinulog muna niya 'to sa Ama. "Sa ngayon po ay hinahayaan ko lang po siya sa gusto niyang gawin, ang ligawan po ako."

"Kaya lang, Tay. Paano po 'yon mahigit isang taon na pong nanliligaw si Kuya Ram pero hindi pa po sinasagot ni Ate. Hindi po kaya paasa---"

"Uy, hindi ah. Hindi, Tay. Wag po kayong makinig rito kay Coco."

"Bakit kasi hindi mo pa sinasagot si Kuya Ram? Kasal naman na kayo diba. Bakit may balak pa rin ba si Kuya na mag-file ng annulment papers?"

Napagusapan na nila 'to noon. Darating sila sa punto na pag nakahanap na ang isa sa kanila ng gustong makasama o mapapangasawa ay do'n lang nila aasikasuhin iyon. Dalawang taon na rin ang nakakalipas magmula nang ikasal silang dalawa ni Ram at hanggang ngayon ay hindi pa nila ulit napaguusapan ang tungkol sa annulment papers nila.

For The First Time | KATHREID - Book ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon