Parajas Group of Companies Office of the President 10:40am
AKMANG tatayo na sana si Ram upang maghanda para sa kanyang susunod na meeting kasama ang PIA Board of Members ay pumasok naman agad ang nagmamadali nitong Sekretarya. Alam na alam niya't kabisado na niya na pag gano'n ang inaakto ni Ariah ay parang may kailangan itong iparating na hindi kaaya-aya.
"Sir Ram." Nang makalapit na ito sa mesa ni Ram ay kaagad itong bumati at nagbigay-galang sa paraan ng pagyuyuko ng ulo. "Pasensya na po sa biglaang istorbo, Sir."
"It's okay, Ariah." Aniya habang pinagmamasdan ang babae. "What is it all about?"
Hindi na sumagot ang Sekretarya bagkus ay inabot nito kay Ram ang hawak na sariling netbook. At do'n nga ay nakita ni Ram ang balitang nais ipahatid ni Ariah.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Viral Photo of Mr. James Abraham Parajas' Wife shocking pictures on Social Media. After seeing it on different streets as if living just by simple means.
Is this really the wife of a famous business man in the country? The owner of Parajas Group of Companies and the also the owner of Parajas International Airport? And if this is really his wife, how come Mr. Parajas let his own wife to be in this kind of situation?
Nagpakawala ng magkakasunod na buntong-hininga si Ram habang mariing nakatitig sa mga larawan ni Siah. Ito nga ang larawan ng misis. Ang isang nakuhanang larawan ay isa sa mga kalye papunta sa may Coffee Shop. At ang isang larawan naman ay sa may hintayan ng bus.
Malaking katanungan sa kanyang isipin papaanong napunta ang mga nagkalat na larawan ni Siah sa internet? Paano ito nangyari? Sino ang kumuha ng mga larawan at sino rin ang nagpakalat nito?
MAHIGPIT ang hawak ni Ram sa manubela ng kanyang sasakyan habang mabilis ang takbo pauwi sa kanilang mansyon. Matapos tawagan siya ng kanyang Ama at ng kanyang Lolo tungkol sa balita.
Maging sa radio at telebisyon ay ito ang binabalita. Maging sa ilang Kompanya ng bansa na nakadikit sa PGC ay alam na rin ang tungkol rito. Bago siya makaalis ng opisina kanina'y panay ang tawag ng ilang kakilalang tao sa kanya ngunit tumanggi siyang makausap ang mga ito.
Narinig nito ang pagtunog ng CarPlay phone ng kanyang kotse na naka-konekta sa kanyang sariling telepono. Mabilis nitong pinindot ang screen at sinagot ang tawag mula sa pinsang si Kalvin.
Kalvin 📞 Ram
Kalvin: Hey, bro. Where are you? You already know about it?
Ram: Yeah. I'm on my way home. Dad and Grandpa called me.
Kalvin: How did that happen? Who took those pictures?