Kal Coffee Shop
3:15pmNAKANGITING binati ni Siah ang ilang kustomer na papasok pa lang sa naturang Café.
Bitbit ang service tray ay magiliw rin niyang nilapag sa mesa ang order ng matandang Ginang na may masamang bata.
"Here's your order, Mam." Naunang nilapag nito ang isang Caramel Apple Frappe, sunod naman ay Pineapple Juice. Magkasunod rin niyang nilapag ang Peanut Butter Banana Waffle at Brown Sugar Pistachio. "Enjoy." Yumuko si Siah upang pagpaalam na sana sa kanila nang biglang magsalita ang batang babae.
"I don't like this sandwich, Grandma." Inusog nito ang naturang sandwich. "I like the cake." Nakatayo pa rin si Siah habang pinagmamasdan ang mag-Lola.
"But you like sandwiches, right? When are you eating cakes, apo?"
"I like cakes, now. I want that cake, Grandma. Please." Pagmamaktol ng bata sa Lola nito.
"Mam?" Sabat ni Siah. "B-baka po gusto niyong palitan nalang po natin ng cake 'yong sandwich? Ayos lang sa amin."
"No need na, ija." Nakangiti nitong tugon, sabay ng paghawak nito sa braso ni Siah. "Ako nalang ang kakain nito." Ang sandwich ang tinutukoy nito. "Hindi ko namalayang nag-iba na pala ang mga gusto at ayaw ng apo ko. Dalawang buwan ko kasi siyang hindi nakita."
"Gano'n po ba, Mam." Ang atensyon niya'y nasa batang babae na ngayon ay masayang nilalantakan ang cake.
"Kakauwi ko lang kasi galing Canada. Sunod na buwan rin ang balik ko."
"Welcome back po, Mam."
"Pagpasensyahan mo na 'tong apo ko." Hinaplos nito ang ulo't buhok ng bata. "Sa pagkakaalam ko talaga'y paborito niya ang kahit anong sandwich pero cake na pala ang gusto."
"Ayos lang po."
"Gano'n talaga ang pagiging Lola diba? Kung ano ang gusto ng apo mo ibibigay mo. Kung do'n siya sasaya, hahayaan nalang. Kasi mas sobra pa ang mararamdaman kong saya pag alam kong masaya 'tong apo ko." Ani ng Ginang habang nakangiting pinagmamasdan ang bata. Maging si Siah ay nakamasid lang rin sa kanila.
Kung siya rin ang nasa kalagayan ng matandang Ginang ay wala na nga talagang mas sasaya pa na makita mo ang apo na masaya. Iyon ang saya na walang-katumbas. Iyon ang tinutukoy ng kanyang Ina sa kanya. Ang sayang nararamdaman ng Ginang ay ang sayang rin nararamdaman ng kanyang Nanay.
Maya-maya pa'y nagpaalam na siya sa dalawa upang maghatid rin ng ibang orders sa mga kustomers.
Hindi pa man siya nakakalapit sa may counter nang maramdaman niya ang pag-vibrate ng kanyang telepono sa suot na apron. Mabilis nitong nilapag ang service tray tsaka nagmadaling naglakad palayo para masagot ang telepono.
Ang kaibigan niyang si Kylie ang tumatawag. Wala itong pasok ngayon kaya nakiusap siyang samahan muna nito ang Ina niya sa bahay. Masama kasi ang pakiramadam ni Nanay Ana kaninang umaga.
Kylie 📞 Siah
Siah: O, Mare. Napatawag ka. Kamusta si---
Kylie: Mare, nako! Si Nanay Ana.
Siah: Bakit? Napano ang Nanay. Anong nangyari, Mare?
Kylie: Papunta kaming Center ngayon ni Coco. Nahimatay na naman si Tita. Ate, si Nanay. Ate!
Siah: Pauwi na ako, Mare. Ikaw munang bahala sa Nanay ko at kay Coco. Aalis na ako ngayon.
Kylie: Sige, Mare. Magiingat ka. Manong, wala na po bang ibibilis 'tong traysikel niyo?
BINABASA MO ANG
For The First Time | KATHREID - Book I
FanficWhen was the last time you did something FOR THE FIRST TIME? Started: May 21, 2020 Ended: August 6, 2020