Chapter 16

94 10 0
                                    


NAKATANGGAP si Siah ng tawag kaninang umaga mula sa Coffee Shop na pinag-aplayan niya ng trabaho no'ng isang araw. Ngunit nabigo siya dahil hindi pa daw nila kailangan ng tao. Pero iniwanan pa rin niya ang numero ng kanyang telepono para kung sakaling kailanganin na nila. Matatawagan siya agad.

Kaya naririto siya't nakaupo sa naturang Shop. Hindi na niya inabala ang kaibigang si Kylie dahil nga sa may pasok ito sa trabaho. Mamaya nalang niya pupuntahan ito sa lunch break nito. Kakain nalang sila sa labas mamaya.

"Ms. Siah Mamorno." Agad siyang tumayo nang sumulpot ang isang waitress sa harapan niya.

"Opo. Magandang umaga po." Marahan siyang yumuko upang magbigay galang.

"Maari ka ng magsimula bukas."

"P-po?" Naguguluhang sabi niya. Akala niya'y kakausapin pa siya't aalamin ang mga tungkol sa kanya. Ngunit ano ba ang sinasabi nitong babae sa harapan niya? Magsisimula na siya bukas?

"Narito ang uniporme mo. Mula alas dyes ng umaga hanggang alas sais ng gabi ang pasok mo. Maaga ka nalang mag-In para makatulong ka pa sa iba rito na magbubukas ng Shop." Nakatuon ang mga mata niya sa kukay puting paperbag na inaabot sa kanya. "Kunin mo na 'to. Magkita tayo bukas."

"S-sige po. Salamat po rito." Agad na niyang kinuha ang paperbag tsaka yumuko ulit bilang pasasalamat.

12:10pm

NAGKITA ang magkaibigang Siah at Kylie sa paborito nilang kainan na kantina. Malapit lang ito sa pinagtra-trabahuan ni Kylie. Ganoon din sa Coffee Shop na bagong papasukan ni Siah.

Dahil nga sa lunch break ni Kylie nagpasya ang dalawa na magkita at kumain na rin.

"Seryoso ba 'yan, Mare?" Ani Kylie na halata sa mukha ang pagkagulat. "Wala ng interview-interview na naganap?"

"Oo nga, Mare. Nagtataka rin ako." Tugon nito bago sumimsim ng tubig.
"Nagulat nga ako no'ng sinabi nung babae na maari na daw akong magumpisa bukas."

"O, di maganda na 'yan Mare. May bago ka ng trabaho. Wag ka ng magisip pa ng kung anu-ano diyan."

"Parang kailan lang, Mare. May trabaho na ulit ako." Nagkatinginan ang mga ito at... "Aahhh! Sabay na tumili ang dalawa.

"Libre mo ako sa unang sa sahod mo, ah. Kahit isaw-isaw lang sa tabi, ayos na."

"Ay! kahit longganisa pa diyan, Mare." Agad na tugon ni Siah habang nakangiti nang sobra tsaka marahang tumawa.

Nagpapasalamat siya't may nahanap na rin siya sa wakas ng trabaho. May pagkakaabalahan na siya't makakatulong pa sa mga gastusin sa bahay. Lalo na ngayong nasisiguro niyang mas lalaki ang babayaran nila sa kuryente dahil sa mga bagong kagamitan. Problema rin niya ang linggo-linggong check-up ng Ina.

"Teka nga, teka nga!" Napa-krus ang magkabilang braso ni Kylie at naningkit ang mga mata nito habang sinusuri ang maaliwalas na awra ng kaibigan. "Bakit parang may bago sa'yo?"

"Anong bago? Wala naman." Kibit-balikat na tugon ni Siah tsaka pinagpatuloy na ang pag kain.

"Wag mo nga akong inaarot-arot rito, Mare." Inilapit ni Kylie ang sarili sa kaharap. At mataman siyang tumitig sa nakangiti pa ring si Siah. "Umamin ka nga, may nangyari sa inyo ni Ram kahapon, no?"

Muntik na niyang maibuga ang nginu-nguyang pagkain sa mukha ni Kylie dahil sa sinabi nito. Mabuti nalang at mabilis niyang naitakip ang kamay sa kanyang bibig.

For The First Time | KATHREID - Book ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon