Chapter 23

96 9 2
                                    


Sitio Camanggaan
Mamorno's House
10:40pm

NAKAYAKAP ang mga braso ni Siah sa kanyang mga tuhod habang pirming nakaupo sa kama. Kahit anong gawin niyang pagpikit upang makatulog na'y wala pa rin. Kanina pa siya bangon-higa. Hindi mapakali sa dami ng iniisip.

"We need your help. You are the only one we can trust. I'm not forcing you but I'm begging you, Siah. Please accept it."

"Dahil sakaling matuloy ang kasal niya alam kong magiiba na ang pagkatao niya. Knowing my cousin,
when he was put in something he didn't want. Maybe or I'm sure he can do something he doesn't do. At iyon ang kinakatakot ko."

"Baka hindi na natin siya kilala pag nagkataon. Kaya tulungan mo siya. Tulungan mo kami. Sign the marriage contract."

Alam niyang buo na ang desisyon nitong wag tanggapin ang alok ni Ram sa kanya. Ngunit pagkatapos niyang marinig ang lahat ng mga sinabi at pakiusap ni Kalvin sa kanya ay bigla nalang siyang naguluhan.

Napatingila siya mula sa pagkakasubsob habang yakap ang magkadikit na tuhod nang marinig nitong tumunog ang nakalapag na telepono sa maliit na mesa.

Kumunot ang noo niya nang bumungad sa kanya ang hindi pamilyar na numero. Dahil na rin sa pagtataka agad niya na 'tong sinagot.

Unknown Number 📞 Siah

Siah: He---

U.N: I'm here outside.

Call Ended

"Ay, wow!" Kunot-noong sabi niya habang nakatitig pa rin sa telepono. Hindi man lang siyang binigyan ng pagkakataon na magsalita. Pinatay agad siya pagkatapos sabihin ang I'm here outside. "Nasa labas?"

Nagmadali siyang gumayak palabas ng kanyang silid upang tignan kung sino ang tumawag sa kanya't kung umasta ay akala mo kung sino. Marahan niyang binukas ang bintana sa may salas upang do'n sumilip. Hindi naman niya balak na lumabas agad ng hindi pa nakikilala ang taong tumawag sa kanya. Mahirap na at baka kung ano pa mangyari.

Naningkit ang mga mata niyang nakatitig sa isang bulto ng lalaki na nakasandal sa may harapang parte ng isang itim na kotse. Nakatalikod ito mula sa kanya. Hanggang sa narinig niya ang tunog ng hawak na telepono na nangangahulugang may nagpadala sa kanya ng mensahe. Binuksan agad niya 'to nang makitang galing ito sa lalaking tumawag sa kanya kanina. Ang lalaking nasa harapan ng bahay nila.

Hindi ako mamamatay tao. Kaya lumabas kana. It's me, Ram.

Agad nitong nilingon ang kinaroroonan ng binata. Nakatalikod pa rin ito sa kanya. Tsaka lang niya namukhaan ng suklayin ni Ram ang buhok gamit ang kamay nito.

Nagaalinlangan man ay lumabas pa rin siya't harapin ang binata.

"Anong ginagawa rito?" Aniya ng tuluyan na siyang nakalapit sa sasakyan. "Gabing-gabi na, oh. Delikado na ang magmane---" Natigilan siya ng lumingon si Ram at nakita niya ang ilang pasa sa mukha nito. At ang gasa sa may noo nito. "Anong nangyari sayo?" Mabilis siyang naglakad palapit rito. "Napano ka? Bakit may mga pasa ka? Saan ka galing?" Bakas sa mukha ni Siah ang pagaalala. Anong nangyari sayo, Ram?" Akmang ilalapat na niya sana ang kamay sa mukha nito nang mabilis namang pinigilan ni Ram iyon. Mahigpit ang hawak nito sa kamay ni Siah habang nakaangat.

Ang mga mata nilang nakatitig sa isa't isa ay parang naglalabanan sa kung sino ang unang pipikit at bibigay. Hindi nagtagal ay mabilis na hinila ni Ram payakap sa kanya ang dalaga. Nagulat na napasubsob ito sa dibdib niya.

For The First Time | KATHREID - Book ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon