Chapter 10

109 9 0
                                        

Sitio Camanggaan
Mamorno's House
11:15am

INILAPAG ni Siah ang hinugasang dahon ng kamote sa mesa habang naghihiwa naman ng kamatis ang kanyang Nanay Ana. Naghahanda sila ng ulam para sa tanghalian.

"Magpapasama po ako ulit kay Kylie maghanap ng trabaho, Nay. Wag po kayong mag-alala gagawan ko po ng paraan 'yong check-up niyo po sa Sabado." Aniya tsaka umupo sa may gitnang-upuan ng mesa.

"Kung huwag nalang muna kaya nating ituloy, Anak? Ayos lang naman ako."

"Nay!"

"Tsaka na natin problemahin 'yang check-up, Siah. May mga importante pa tayong kailangang isipin."

"Nay naman. Gagawan ko nga po ng paraan. Ako na pong bahala ro'n."

"Ilaan nalang muna natin ang pera sa pambayad ng tubig at kuryente. 'Yong babayaran pa ni Coco sa eskwelahan. 'Yong nautang ko kay Aleng Gracia, naniningil na." Paliwanag nang Ina bago tumayo upang maghugas ng kamay.

"Ako na pong bahala ro'n, Nay. Ang importante po ay ang kalusugan niyo. Mas importante po kayo." Aniya habang abala sa pagputol ng pinakadulong dahon ng kamote. "Kaya nga po ako maghahanap ng trabaho para masolusyonan po natin ang mga 'yan."

"Saan ko 'to ilalagay?" Sabi ni Coco na may dalang palanggana na may lamang nalinis na isda.

"Akin na 'yan. Ako na." Kinuha ito ng Ginang. "Samahan mo na nga ang ate mo riyan. Gabi pa 'yan matatapos."

"Ako na rito, Ate." Agad naman naupo si Coco at kinuha ang mga dahon at nagumpisa na.

"Basta, Nay. Kailangan niyo pong---"

"Nako, Kathryn Siah Mamorno. Kanina ka pa. Sabi ng ayos lang ako." May pagmamatigas na sabi ng Ginang.

"Pero Nay..."

"Ano bang problema, Ate?" Pabulong na tanong ni Coco habang nakatingin sa kanya.

"Wala na akong trabaho." Aniya tsaka marahang napahilamos. "Umalis na ako."

"Bakit naman? Ayaw mo na ba do'n?"

"Basta."

"Bakit nga?"

"Wag mo na tanungin. Basta maghahanap ulit ako ng trabaho." Nagpakawala siya ng buntong-hininga. "May natira pa akong sahod no'ng nakaraang dalawang linggo. Naitago ko pa. 'Yon ang ipambabayad ko sa tubig at kuryente. Tsaka muna 'yong ibang utang natin. Gagawan ko 'yong check-up ni Nanay. Hindi pwedeng hindi sila pumunta." Marahan nitong sabi sa kapatid. Sinadya niyang hindi marinig 'yon ng kanilang Nanay na abala sa hinihiwang isda dahil baka makipagtalo ito sa kanila. Ipipilit na naman ang gusto. "Kailangan natin ng pera. Kaya ikaw!"Sabay turo ng daliri sa kapatid. "Umayos ka. Wag kang gagawa ng kahit anong ikakapahamak mo. Lalo na ngayon, wala pa tayong mapagkukuhanan ng pera. Marami pa tayong problema."

"Oo naman, Ate. Ako pa ba? Ayoko kayang nahihirapan ka. Tsaka kailan ko pa pinahamak ang sarili ko?" Magmamalaking sabi ni Coco na agad namang nakapagpataas ng kilay ni Siah. "Araay!" Namilipit siya bigla nang pingutin ni Siah ang tenga nito.

"Gusto mo pa bang isa-isahin ko lahat ng mga ginawa mong nakapagpahamak sa'yo, ha."

"Sila ang nagpahamak sa akin, Ate. Sinong tao ang gustong ipahamak ang sari--- Araay!"

"Sila pa sinisisi mo? Ibang klase ka rin, no." Binitawan niya ang tenga ni Coco. "Basta. Wag ngayon, Coco."

"Oo na. Magiingat ako, hindi ako gagawa ng ikakapahamak ko. Ayos na ba?" Inirapan lang niya ang kapatid bago tumayo at lumapit sa Ina.

For The First Time | KATHREID - Book ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon