Sitio Camanggaan
6:10amPAGKALABAS ng kanyang silid ay dumiretso agad si Siah sa kusina upang magpaalam sa kanyang Nanay Ana.
"Alis na po ako, Nay." Ginawaran niya ng yakap ang nakatalikod na Ginang na abala sa pagluluto ng almusal.
"Sigurado ka bang hindi ka muna kakain?" Humarap ito nang umawat na si Siah sa pagkakayakap. "Malapit na 'tong maluto. Hintayin mo nalang kaya, Anak."
"Wag na po, Nay." Nakangiti nitong tugon. "Nagbaon naman na po ako ng pandesal. Kakainin ko po habang nasa byahe." Kinuha nito ang kamay ng Ina tsaka nag-mano.
"Sige, Anak. Magiingat ka."
"Opo, Nay." Nang makapagpaalam ay nagmadali na siyang lumabas ng bahay.
Ayaw niyang isipan ng mga kasamahan niya sa trabaho na porke kaibigan siya ng Amo nila ay hindi na niya gagawin ang kailangan niyang gawin. Ayaw niyang may ma-sabi ang mga ito sa kanya. Kaya naman nagsusumikap siyang magtrabaho.
Nang marating ang waiting shed kung saan do'n siya naghihintay ng masasakyang traysikel ay nagtaka siya isang kulay itim na BMW I8 na nakaparada sa may gilid. Hindi naman niya hinuhusgahan ang mga mamamayan sa Sitio Camanggan pero ang ganyang klase ng mamahaling sasakyan ay walang makakabili ni isa sa kanila.
Matagal-tagal na rin siyang laging naghihintay rito ng ganitong umaga ngunit wala siyang napapansing ganitong kotse. Ngayon lang. Inilibot muna niya ang mga mata sa paligid bago nilapitan ang kotse.
"Wala man lang akong maaninag." Aniya habang pinipilit nitong silipin ang kung sinong nasa loob. Kung mayroong nasa loob. Ngunit kahit anong gawin niya'y wala siyang makita sa loob. Tanging sarili lang niya ang nakikita sa salamin ng bintana nitong kotse. "Jusmeyo!" Hanggang sa napatalon siya sa gulat nang bumaba ang salamin ng bintana at bumungad sa harapan niya ang pamilyar na mukha ng isang lalaki.
"Sakay na. Ihahatid kita." Seryosong sabi ni Ram nang hindi nakatingin kay Siah.
"W-wag na." Umiling siya na sinamahan pa ng magkumpas ng kamay. "May traysikel na rin naman. Ayos lang." Sakto namang napansina niya ang traysikel na paparating. "Sige. Mauuna na ko."
"We need to talk."
"Sa ibang araw nalang, Ram. Pasensya nagmamadali kasi..." Napansin niyang mabilis na lumabas ng sasakyan si Ram at umikot ito palapit sa kanya.
"Ride." Napaatras si Siah sa malakas na paghila ni Ram ng pintuan ng front seat nitong sasakyan. Tsaka siya tinapunan ng matalim na tingin nito na nakadagdag sa kabang nararamdaman niya. "Akala ko ba nagmamadali ka?"
"Ah. O-oo." Mabilis na tango nito. Pero kasi nakakahiyang..." Wala na siyang nagawa nang marahan na siyang itulak papasok ng binata.
Agad ring binuhay ni Ram ang makina ng sasakyan nang makaupo na ito sa may driver seat. At tinahak na nila ang daan palabas ng Sitio.
Nang makalayo na sila'y binasak ni Ram ang katahimikang namumutawi sa kanina.
"Here." Aniya tsaka inabot kay Siah ang kinuhang brown paper bag. "Baka malamig na 'yan. Kanina pa kasi kita inaantay." Inilabas niya ang isang paper cup na naglalaman ng kape at maingat na binuksan ang takip.
"Bakit kasi hindi mo man lang sinabi sa akin na andoon ka pala?" Tsaka sumimsim ng marahan. "Ayos pa naman. Medyo mainit pa. Salamat." Tsaka lang niya naalala ang dala pala nitong isang supot ng pandesal. "Pwede ba akong kumain nito dito?"
![](https://img.wattpad.com/cover/226063954-288-k231958.jpg)
BINABASA MO ANG
For The First Time | KATHREID - Book I
FanficWhen was the last time you did something FOR THE FIRST TIME? Started: May 21, 2020 Ended: August 6, 2020