Chapter 12

87 10 0
                                    

Sitio Camanggaan
Mamorno' House
7:20pm

PABALIK-BALIK ng lakad si Siah sa may Salas. Habang pinagmamasdan ang kapatid na si Coco. Nakaupo ito sa may mahabang upuan na gawa sa tabla. Nakayuko ang ulo.

"Ilang beses kitang sinabihan, Jacob. Hindi ka na ba nakikinig sa akin?" Aniya habang di-mapakali sa kinatatayuan.

"H-hindi ko alam na gano'n pala ang mangyayari. Kung alam ko, Ate. Hindi ako papayag---"

"Hindi mo man lang nahalata? Hindi ka man lang nakahalata, Coco?" Kunot-noong tanong niya sa nakayukong kapatid. "Paano ngayon 'to? Saan tayo kukuha ng gano'ng kalaking pera para bayaran ang perang--- Coco naman kasi!" Hindi na niya napigilan ang sarili. Napaupo nalang siya't napatakip ng mukha gamit ang magkabilang palad.

Nasangkot ang kapatid niya sa nakawan sa isang Pamilihan sa may kalapit na barangay. Inalok siya ng ilang kabataan rito na sumama sa gagawin nila. Ang di niya alam ay pagnanakaw pala ang matibo ng mga ito at sinasama si Coco upang ito mismo ang kumilos. Dahil nga sa hindi kilala si Coco ng mga taga ro'n.

"Kailangan nating bayaran ang mga nasira't nanakaw sa lugar. Paghahati-hatian nila ito." Paliwanag ng Ginang sa marahan na pananalita. "Kung hindi natin mababayaran ito sa loob ng isang linggo. Magsasampa siya ng kaso sa mga bata at sila'y makukulong."

"Isang linggo? Saan naman po tayo kukuha ng pera, Nay. Wala pa po akong nahahanap na trabaho. At kung mayroon man, impossible rin pong mautangan ko agad ang Amo ko."

"Pasensya na, Ate." Nilingon siya ng kapatid na si Coco. "Nais ko lang makatulong sa'yo kaya sumama ako sa raket na sinasabi nila. Pero sa maniwala ka't hindi, hindi ko alam na gano'n ang ipapagawa sa akin. Wala na akong nagawa. Ando'n na ako. Tinuloy ko nalang kahit takot na takot ako." Napa-buntong hininga si Siah tsaka unti-unting lumapit sa kapatid.

"Pasensya na din. Hayaan mo gagawan ko ng paraan." Inihiga niya ang ulo ni Coco sa may balikat nito. "Ang importante ay walang nangyaring masama sa'yo. Iyon ang mahalaga."

"Tatawagan ko ang Tita---"

"Wag na po, Nay. Wag na po natin silang istorbohin. Alam ko pong may kanya-kanya rin po silang pino-problema." Tugon niya sa Ina nakapirmi lang upo sa may gilid nila. "Ako na pong bahala."

Sa totoo lang ay kahit papaano, gumaan ang pakiramdam niya nang malaman ang naging dahilan ng kapatid sa kung bakit napilitan itong sumama sa 'yon. Iyon nga lang, mali ang mga sinamahan nito. Ang importante ay buhay at walang galos ang kapatid. Bahala nalang kung saan at kanino siya makakahanap ng pera na iaambag para mabuo ang perang ipangbabayad sa may-ari ng Pamilihan.

Hindi niya hahayaang makulong ang kapatid. Oo, kasalanan niya. Pero hindi ibig sabihin ginusto niyang mangyari 'yon. Napilitan, oo. Pero may mabigat na dahilan.

Dark Light Club
Kalvin's Office
1:45am

BINAGSAK ni Kalvin ang katawan sa malambot na sofa-bed ng naturang opisina. Marahan niyang minamasahe ang kanyang noo. Hindi na niya mabilang kung ilang bote ng alak ang naubos nito kanina.

Ipipikit na sana niya ang mga mata para makapagpahinga na ang mga 'to ng biglang tumunog ang telepono sa may tabi ng lamp shade. Inabot niya ito at sinagot agad nang makita ang pangalan ng pinsan na si Ram.

Ram 📞 Kalvin

Kalvin: Buhay ka pa pala. Akala ko nabaon kana sa hukay diyan sa Brazil.

Ram: Gag*

Kalvin: Pasalubong ko. Wag mong kakalimutan.

Ram: Of course. You might kill me if I don't buy that. I'll be looking for it tomorrow.

For The First Time | KATHREID - Book ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon