Chapter 15

95 9 0
                                    


NAPALINGON sa may Salas si Siah nang makarinig ng pamilyar na boses.

"Andito ako, Mare." Sigaw niya para ipaalama sa kaibigang si Kylie na akmang pupunta sa kwarto nito.

Natapos na niyang hugasan ang mga pinag-kainan nila. Kasalukuyan na niyang binabalik ang mga natuyong pinggan at baso na sa kani-kanilang lalagyan.

"Halika, halika. Itigil mo muna 'yan." Papalapit na sabi ni Kylie. "Andito pala si Ram. Bakit hindi mo man lang ako sinabihan, aber?"

"Ikaw lang ba ang nagulat?" Nilingon niya ito. "Ako rin naman. Hindi ko rin alam na pupunta siya dito kasama 'yong pinsan niya. Kasama si Sir Kalvin."

"Ano?!" Nan-laki ang mga mata nito sabay ng biglang pagtakip ng bibig. "Iyong nakita kong lalaking kasama nila Coco at Ram ay pinsan ni Ram?"

"Oo nga."

"Na siya ring si Sir Kalvin?"

"Oo."

"E bakit hindi mo sinabi sa akin na---"

"Ngayon ko lang rin nalaman. Wala akong kaide-ideya. Buong akala ko magkaibigan lang 'yong dalawa. Magpinsan pala." Paliwanag ni Siah tsaka humarap kay Kylie. "Ang liit ng mundo, diba."

"Maliit talaga." Patango-tangong tugon nito. "Kaya itigil mo muna 'yang ginagawa mo at panuorin nating maglaro 'yong naging dahilan ng pagliit ng mundong sinasabi mo."

"Teka. Anong sinasabi mong---" Hindi na nito naituloy ang kung anong sasabihin nang tuluyan na siyang hinila ni Kylie palabas ng kusina. "Mare, teka lang. Saan mo ba ako dadalhin? Pagagalitan ako ni Nanay, hindi pa tapos 'yong---"

"Sasamahan na lang kita mamaya. Kailangan nating manuod." Aniya habang tinatahak ang daan palabas ng bahay. Nagtataka man si Siah ay napapasabay nalang rin siya sa pag lakad.

"Nang ano? Wala akong panahon manuod nang---"

"Maglalaro si Coco."

"O, E anong kinalaman natin do'n? Hindi naman tayo mahilig manuod ng laro ni Coco, ah."

"Kasama si Ram at si Sir Kalvin. Kaya dalian na natin baka nagumpisa na." Naging mas bumilis ang lakad nang dalawa hanggang sa patakbo na nilang tinatahak ang mabatong daan patungong Basketball Court.

Bumungad ang sigawan at kantiyawan ng mga kabataan na nakapalibot sa lugar palaruan.

"Padaan po." Ani Siah habang marahan ang dalawa sa pag-singit sa ilang kalalakihang nakatayo habang nanunuod. "Makikiraan."

"Ahhh! Na-shoot ni Coco!" Tili ni Kylie nang tuluyan na silang nakalagpas sa kumpol ng mga tao. "Mare, do'n tayo. Dali." Mabilis silang naglakad palapit sa kinaroroonan ng mga nakaupong kasamahan nila Coco sa laro.

"Siah." Nakangiting sabi ni Kalvin nang tuluyan ng nakalapit ang dalawa sa kanila.

"K-kalvin." Nginitian rin niya 'to pabalik.

"Go go go! Galingan niyo!" Sigaw ng katabi niyang si Kylie na nakatutok na  sa panunuod. "Shoot! Yes!"

"P-pasensya na. Sadyang maingay talaga rito pag ganitong may laro." Alam niyang hindi sanay sa mga ganitong klaseng laro ang magpinsan. Baka nga ito nga lang ang unang beses na makakaranas sila ng laro sa isang Sitio.

"No. It's okay, Siah." Umiling ito. "It's fun to have a lot of people watching. It's good to hear their shouts and screams." Marahan lang na tumungo si Siah.

For The First Time | KATHREID - Book ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon