Chapter 19

90 9 0
                                    


8:15am

NAKASANDAL sa magkabilang gilid ng pintuan sina Siah at Kylie habang pinagmamasdan ang mahimbing na natutulog na si Ram.

"Ang gwapo pa rin talaga kahit tulog." Nilingon niya si Kylie na maging ang mga mata ay kumikislap sa ngiti. "Sana may matulog rin sa kwarto ko na ganyan ka-gwapong lalaki, Mare. Iyong tipong kahit kasisimula pa lang ng araw mo ay masaya kana agad."

"Anong ikinasaya do'n?" Kunot-noong tugon nito sa kaibigan tsaka binalik ang tingin sa natutulog na binata. "Alam mo bang sa Salas ako natulog. At hanggang ngayon ramdam ko pa rin 'yong sakit ng likod ko." Paliwanag nito.

Akala ni Siah ay aalis na si Ram matapos niyang sabihin ang isang bagay na nakapagpagulo ng ganyang isipan. Hindi nga siya nakatulog ng maigi dahil do'n. Sinabayan pa ng hindi siya komportable sa mahabang upuan na gawa sa kawayan dahil nga sa pinagsaraduhan siya ni Ram ng mismong pinto ng kanyang kwarto.

"Basta ako, magiging masaya at kompleto ang araw ko pag ganyan agad ang bubungad sa umaga."

"Manahimik kana nga diyan, Mare." Marahan niya 'tong siniko sa may tagiliran. "Naiinis pa rin ako sa kanya. Kung umasta'y parang kwarto niya 'tong pinasukan niya."

"E akala ko ba sabi mo, nakainom 'yong tao. Bakit mo sinisisi?" Pinandilatan niya ang katabing si Siah. "Baka masyado lang pagod. Ikaw naman. Diba nga diyan siya namalagi no'ng andito siya. Baka nasanay."

Hindi tuloy maiwasang isipin ni Siah na may punto ang kaibigan. Baka nga pagod talaga ito. E hindi naman kasi niya sinabing magpunta ito rito. Kung pagod man siya, hindi na niya 'yon kasalanan.

Ngunit sa kabilang banda ay nakamaramdam siya ng awa sa lalaki. Ang mga tingin at titig kasi sa kanya nito kagabi habang sila'y magkausap ay parang may lungkot sa mga ito. Na hindi niya mawari kung saan nagmula.

"Help me. Be my wife."

Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong-hininga. Hindi siya pwedeng mag-isip ng kung anu-ano. Ang mga katanungang bumabagabag sa kanyang isipan ay tanging si Ram lang ang makakasagot.

"Good morning." Nagitla siya nang marinig ang masiglang boses ng katabi. Tsaka nito binalingan ang natutulog na binata. Nanlaki ang mga mata niya ng makitang gising na pala ito. Nakaupo na at ginugusot-gusot ang mga mata. "Tara na. Naghanda kami ni Siah ng almu---" Hindi na naituloy ni Kylie ang kung anong sinabi nang tinakpan ni Siah ng kamay ang nagsasalita nitong bibig.

"M-mauna na tayo, Mare. Susususu--- susunod na siya." Natatarantang sabi nito tsaka na hinila ng mabilis palayo sa pinto ang magsasalita na namang kaibigan.

Nang marating nila ang kusina'y dali-daling nagsalin ng malamig na tubig sa baso si Siah tsaka ininom upang pakalmahin ang sarili.

"Ayos ka lang?" Tumango lang ito bilang tugon kay Kylie na nakaupo na sa upuan. "Ako pa niloko mo. Kinakabahan ka E." Pang-aasar nito. "Ganyan ka ba kabahan pag nakakakita ng gwapong---"

"Hinaan mo nga 'yang boses mo." Nag quiet sign pa siya. "Parating na siya. Baka isipin no'n kung anu-ano na namang pinagsasasabi natin tungkol sa kanya." Narinig na kasi niya ang pagbukas at pagsara ng pinto.

Maya-maya pa'y nasilayan na nilang pareho ang bagong gising na si Ram.

"Kain na, Ram. Maupo kana rito." Anyaya ni Kylie na napatayo pa sa kinauupuan. Hindi naman kumibo si Siah bagkus ay itinuon ang atensyon sa paglagay ng ulam sa plato nito.

"Thanks but I have to leave. I might be late for work." Tugon nito. "And, Siah?"

"Ha?" Napatingala siya. "Ano 'yon?"

For The First Time | KATHREID - Book ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon