"Game tayo, hon!"
Napaiwas ako ng tingin kay Miko at hinarap si Ysa na nakangisi na at agad akong binigyan ng nang-aasar na tingin. Nilakihan ko lang ito ng mata bago sumunod sa kaniya.
"Miko! You can join us if you want!" Narinig ko pa na sigaw ni Ysa.
Nauna na ako sa table at nandoon na yung tatlo. I don't know what game are we going to play but it looks like the loser gets to chug down all of the remaining jager in the bottle. Ysa was smirking at me like a horny dog when she arrived at the table. When she sat down ay nagsalita na agad si Kai at mukhang lasing na dahil ilang beses namali ang sinasabi niya.
"We'll drink," aniya kaya natawa ako.
"Of course, we're in a bar." Sagot naman ni Nala.
"Never have I ever..." Biglang nag taas ng sampung daliri si Ysa. "...took dirty pics."
Walang nagbaba ng mga daliri. Good girls. Nagpatuloy kami sa laro at tama nga ako ang matatalo ay uubusin yung natitirang jager sa bote.
"Never have I ever," si Jas naman ang nagsalita. "Thrown up in a bar." Ngumisi ito dahil alam niyang marami siyang madadali.
Nagbaba ng mga daliri sina Ysa, Nala at Kai. Kaming dalawa na lang ni Jas ang buhay na buhay parin. Sunod na magtatanong si Nala.
"Never have I ever," ngumisi ito sa akin kaya inirapan ko siya. Target ako tsk. "Drunk texted."
Nagbaba ako ng daliri pati sina Jas at Ysa.
"Baby come home~" Panggagaya ni Nala sa text ko. Siya kasi ang na text ko dati. "Ikaw ang jowa ko~"
"Tigilan mo ako. Never have I ever," ako naman ang nagsalita. "Kissed a random guy." Binigyan ko ng matalim na tingin si Nala at proud siyang nagbaba ng daliri.
Nagbaba kaming lahat ng daliri, wala pala akong takas sa kanila. Nagpatuloy kami sa paglalaro hanggang sa lahat kami ay iisang daliri na lamang ang natitira. Iniisip ko pa lang na ako ang iinom ng alak ay nasusuka na agad ako.
"Never have I ever," tumawa ng malakas si Kai dahil siya ang huling magtatanong. Ibig sabihin hindi siya iinom. "Treated someone out for lunch in Jin Joo Korean Grill at MOA–"
"HOY! KAILANGAN DETAILED?!" Nagdepensa agad ako. Talong talo.
"You put that finger down, baby!" Sigaw nito at tinaas na yung bote ng jager.
"Hoy! Unfair naman 'yon!" Depensa ko ulit pero pumalakpak lang sila.
"Biruin mo naka samgyeop! Samantalang tayo ay maski fishball hindi malibre?" Ysa sounded betrayed kaya inirapan ko ito.
"Chug it down! Chug it down!" Nag cheer pa sila kaya mas lalo akong nainis.
"Amin na letse!" Kinuha ko yung bote ng jager at tinungga ko iyon. Shet!
Gumuhit agad yung init sa lalamunan ko kaya agad akong kumagat ng tatlong slice ng lemon. Halos ubusin ko na rin yung asin na nasa platito. Napapikit ako dahil parang masusuka na ako.
"Tang–"
Tumayo na ako at tumakbo sa cr. Narinig ko pa na sumunod si Jas pero agad kong sinarado yung pinto at lumuhod ako sa may toilet bowl para sumuka. Umiikot na rin ang paningin ko kaya nakahawak ako sa ulo ko. Nang matapos akong maglabas ng alak ay tumayo ako para muling makaramdam ng nasusuka kaya humarap ulit ako sa bowl.
"I will never... Drink like... again,"
Wala sa sarili akong nagbaba ng daliri dahil naalala ko yung tanong ni Jas kanina about throwing up in a bar. Well, now I have.
BINABASA MO ANG
If the Waves Curve (Isla Filipinas Series #1)
RomanceIsla Filipinas Series #1 Mikel, a family pride, has a heavy load of pressure on his shoulders as he ventures on his path to be a doctor. His life twisted when he met a girl named Salena, he ought to protect her heart whatever happens until the waves...