"Yshi want food,"
Muli akong napalingon kay Yshi nang hilain niya ulit yung sleeves ng blazer ko.
"Excuse me," nagpaalam na ako kay Miko at mabilis na kinarga si Yshi.
Dinala ko siya pabalik sa loob ng opisina at inayos ko yung mga gamit ko at yung gamit niya na nilabas niya sa maliit na bag.
"Wait here," utos ko sa bata. "May kakausapin lang si Tita."
Sinimangutan ako ng bata at pinagkrus niya ang mga braso sa tapat ng dibdib.
"Mommy," she insisted.
"Oo nga. Behave ka lang saglit, bibilhan kita mamaya ng ice cream." Agad nagliwanag ang mukha nito. "Wait here."
Lumabas ako ng opisina at bumungad sa akin si Tristan na natatawa.
"Mauuna na ako," paalam ko dito. "Tapos naman na ako sa parte ko dito. Bisita na lang ako sa Lunes."
"Sure ka ayaw mo mag stay?" Nakangising tanong nito. "Mukhang mag stay si Doc–"
"Isusumbong kita kay CEO. Napaka unprofessional mo, ah!" Banta ko dito pero tinawanan lang niya ako.
"Lumayas ka na nga!" Sigaw naman nito.
"Lalayas na nga, eh!" Tinalikuran ko na ito tapos ay tinawag na si Yshi. "Tara, nagugutom na rin ako."
Nagpaalam na ako sa ibang mga engineers pati na rin kay Kai. Mabilis kaming naglakad ni Yshi palabas ng site nang hindi nagpapaalam kay Miko. Sumaglit kami sa nearby mall para kumain at dahil nga sinabi ko na bibilhan ko siya ng ice cream ay ginawa ko.
Habang naglalakad kami pabalik ng parking lot ay biglang tumawag si Mommy kaya gumilid muna kami.
"Pwede ka ba sumaglit dito, anak?" Tanong ni Mommy sa kabilang linya. "May kailangan lang akong asikasuhin sa kumpanya."
Napasulyap ako kay Yshi na tumitingin sa mga taong naglalakad.
"May kasama akong bata batuta, eh." Nag make face ako nang bigyan ako ni Yshi ng masamang tingin.
"Oh, sige sige. Ingat na lang kayo,"
"Bye, Mom."
Nang patayin ko ang tawag ay dumiretso na kami sa parking. I decided to go to Ysa's house na pinapatayo pa lang niya. We stayed there until night and we went home ay agad nakatulog yung bata matapos mag hapunan. The same thing happened the next day until evening na sinundo na siya ng kaibigan ko.
"Say thank you, Tita Ninang!" Ani Ysa.
"Thank you, Tita Ninang!" Nakangiting ani Yshi at kumakaway pa.
"Ingat pauwi," kumaway na ako sa kanila.
Nang mawala na sila sa paningin ko ay saka ko isinara ang pintuan at pumasok na ako sa kwarto. I took a short shower para makatulog na ako. Nagising ako nang masilaw sa sinag ng araw na nanggaling sa bintana na hindi ko naisara kagabi.
Naghilamos ako saglit at lumabas para magtimpla ng kape. Nag toast din ako ng ilang tinapay at kinain na iyon. After, I took a shower. I wore plain a plain v neck shirt tucked under a pair of high waisted denim shorts and a simple pair of white low cut sneakers.
To: Mom
Going to there now, ano gusto niyo food?
I walked out of my condo. I only have my phone and wallet with me since my office things are left in my office. I didn't bother bringing my car dahil paminsan minsan ay nakakatamad din magmaneho.
BINABASA MO ANG
If the Waves Curve (Isla Filipinas Series #1)
RomanceIsla Filipinas Series #1 Mikel, a family pride, has a heavy load of pressure on his shoulders as he ventures on his path to be a doctor. His life twisted when he met a girl named Salena, he ought to protect her heart whatever happens until the waves...