"Where is the office of Dr. Enriquez?"
I asked at the lobby of the hospital. It was already 9pm when I arrived here at the hospital at wala pa rin tawag o text man lang itong si Miko.
I'm pissed.
"Do you have an appointment, Ma'am?" Halatang kinakabahan itong nurse.
"No. But I need to talk to him," tinaliman ko ng tingin ito.
"S-Sorry ma'am but you need to have an appointment–" She was cut off by someone who spoke behind me.
"Ihahatid na kita sa opisina niya," paglingon ay nakita ko si Nile na nakangiti.
"Thank you," diretsong sagot ko at sinenyasan na mauna na siya maglakad.
Naging matunog ang bawat hakbang ko dahil mabigat ang bagsak ng paa ko. Malutong ang bawat lapag ng heels ko sa tiles.
Tahimik akong naglalakad habang nakasunod lang kay Nile. Sumakay kami sa elevator at huminto iyon sa 3rd floor. Naglakad pa kami ng kaunti hanggang sa huminto kami sa isang pinto.
"Is this it?" Nakataas ang kilay kong tanong. "This is it." Tumango ako sa sarili ko nang mabasa ang pangalan na nakalagay sa pintuan.
"I'll leave you here," ngumiti si Nile bago nag lakad palayo.
Hinintay ko na mawala ito sa paningin ko bago ako muling humarap sa pintuan.
I'm thinking if I should kick the door open or I should knock politely. Mahigpit ang hawak ko sa purse ko with my left hand habang ang kanang kamay ko naman ay akmang kakatok na.
I was about to knock politely but a laughter echoed in my ear. A voice of a woman mentioning my guy's name is echoing in my ear! Parang gusto ko na lang bigla ibalibag itong pintuan.
Matalim akong humarap sa kaliwa ko at doon nakita ko ang gulat na mukha ni Miko. Sa kaliwa niya ay nandoon si Anjela na mukhang nagulat rin na makita ako.
"You didn't arrive," walang emosyon kong saad.
Kitang kita ko kung paano gumalaw ang lalamunan ni Miko dahil sa kanyang paglunok. Nanlaki naman ang mata ni Anjela na nagpalit palit ng tingin sa amin ni Miko bago umiling. I gave her a sharp stare at may ibinulong pa siya kay Miko bago dahan dahan nag lakad patalikod at bigla na lang tumakbo paalis.
"You. Did. Not. Arrive." Mabagal kong pag uulit sa sinabi habang nakatingin sa direksyon kung saan nag lakad si Anjela.
"I was in an important meeting," lumapit siya at nang akmang hahawakan niya ang kamay ko ay umiwas ako.
"Sobrang importante ba na hindi mo man lang nagawang sabihin sa akin?" Noon ko lang siya tiningnan at bakas ang kaba sa mukha nito.
"Let's go inside," I heard him sigh before he opened the door.
Nauna akong pumasok doon at dire-diretsong naglakad hanggang nandoon na ako sa tapat mismo ng desk niya.
"Hindi ka na nga pumunta tapos makikita pa kita na may kasamang iba," I whispered. "Sana sinabi mo man lang para hindi ako nag mukhang tanga na naghihintay sa wala kanina." Nagsimula na mangilid ang luha ko.
"It was an urgent meeting about my position as the new ceo. I'm sorry." Pagpapaliwanag niya pero nanatili akong nakatalikod. He made me look at him pero agad kong hinawi ang kamay nito. "I'm really sorry. I left my phone here at my office."
Nakita ko na may inabot siya mula sa lamesa at muli niya akong pinaharap sa kanya. Napapikit siya matapos makita ang mukha ko. Alam kong mukha na akong tanga dahil naiiyak na ako sa ganoong dahilan lang.
BINABASA MO ANG
If the Waves Curve (Isla Filipinas Series #1)
RomantizmIsla Filipinas Series #1 Mikel, a family pride, has a heavy load of pressure on his shoulders as he ventures on his path to be a doctor. His life twisted when he met a girl named Salena, he ought to protect her heart whatever happens until the waves...