"Late Miss García,"
Hinabol ko hanggang faculty yung professor dahil na late ako ng 5 minutes sa pagpasa ng project na pinapagawa niya.
"Sorry po, ma'am. Hindi na po mauulit." Paghingi ko ng paumanhin.
"Hindi kita bibigyan ng deduction points dahil unang beses pa lang naman ito," she fixed her glasses bago muling nagsalita. "Also, pakisabihan naman ang kaibigan mo Miss García, bilang kaibigan at bilang Presidente ng organization ninyo."
Nagtaka pa ako kung ano ang ibig nito sabihin. Magtatanong pa sana ako kaso tinalikuran na niya ako at pumasok sa loob ng faculty. Nang makabalik ako sa classroom ay nakita ko na nag iingay ang lahat at abala sa mga ginagawa na mga projects.
Malapit na ang finals week kaya napakaraming pahabol na activities. Quiz, drawings, seatworks even assignments na kahit pagbabasa lang ay binibigay pa rin.
"Kamusta ang araw, baby ko?" Niyakap ko agad si Miko nang makita ko siya. "How's your exam?"
"It was hard, but I'm sure sumakto naman ang napag-aralan ko." He smiled.
We drove to MOA to eat lunch at pagkatapos ay baka sa condo na lang kami. May tatapusin pa akong mga projects at kailangan ko rin mag review.
"You look tired," he brushed my eyes with his thumbs.
"Nalalapit na ang hukuman," I joked. "Ganyan talaga pag nagsabay sabay na mga task ng mga prof."
"Rest later,"
Nagkwento lang ako ng mga nangyari ngayong araw habang kumakain kami. Ganoon din siya at nang matapos ay agad na kaming pumunta ng condo ko.
"I thought you will rest?" He raised a brow.
Kakatapos ko lang maligo at naglabas na ako ng mga art materials ko. I need to do a 3d project.
"Yeah, this is my rest." I smiled at him.
He sighed and patted my head before sitting behind me. Nandoon siya sa sofa at nagbasa na lang ng mga libro niya habang ako ay ginagawa itong project. We stayed silent for a few hours, busy with our own studies.
"Absent na naman si Miss Reyes?!"
Natahimik ang buong klase dahil sa sigaw ng prof. Umiwas ako ng tingin habang abala ang kamay ko sa pagtetext kay Nala. Naghintay pa ng ilang minuto ang prof at nang mag bell ay nag proceed na siya sa lesson kahit wala si Nala. I kept on texting her pero hindi ito sumasagot.
"Hindi na naman pumasok?" Nakakunot ang noo na tanong ni Kai.
"Wala, hindi sumasagot."
Napakaraming pinapagawa tapos ngayon pa siya hindi papasok. May dalawang quiz siya na hindi nakuha dahil absent siya pero pinakiusapan ko yung dalawang prof na bigyan ng oras si Nala at dinahilan ko na lang na may sakit.
"Pupunta ako sa condo niya!" Sabi ko kay Kai.
"I'll come with you," I could hear annoyance from her voice.
Nag jeep lang kami papunta sa condo ni Nala at nang kumatok kami ay walang nagbubukas.
"Why is this open?" Ani Kai kaya bigla akong kinabahan.
"Nala?" Pagtawag ko dito. "Papasok na kami!"
Pagkapasok namin ni Kai ay sabay na nanlaki ang mata namin nang makita ang kalat sa common area pa lang ng condo nito. Napakaraming gupit gupit na papel at mga plates na nagkakalat.
"Nala–" Napatigil ako nang biglang lumabas mula sa kwarto si Nala.
"Hoy! Ano ba ginagawa mo? Why are you not coming to class? What's happening ba? Can you at least tell us?"
BINABASA MO ANG
If the Waves Curve (Isla Filipinas Series #1)
RomanceIsla Filipinas Series #1 Mikel, a family pride, has a heavy load of pressure on his shoulders as he ventures on his path to be a doctor. His life twisted when he met a girl named Salena, he ought to protect her heart whatever happens until the waves...