"Fast workers, huh?"
I am currently at the site of the hospital since I have no other work than the two active projects I have at the moment.
The metal foundation is starting to take the shape of the hospital. Kai's crew is indeed one of the fastest workers in the company. Idagdag mo pa ang kay Engineer Delgado at Engineer Marquez.
"Pakikuha nga yung blueprint ko sa office," pag uutos sa akin ni Kai.
"Utusan ako?" Tanong ko at tinuro ko pa ang sarili.
"Unprofessional, Architect García." Umiling iling si Kai.
"Kukunin na nga, eh." Inirapan ko siya bago ako umalis sa tabi nilang mga engineer.
Nang makapasok ako sa opisina na tinatambayan namin ni Kai ay agad kong nakita yung blueprint sa table niya. Lalabas na sana ako nang may mapansin na kung ano sa lamesa ko.
"What the..." Hindi ko naituloy ang sasabihin. "What's this?" Tanong ko sa sarili.
Binaba ko muna yung blueprint na hawak para tingnan ng maigi yung pulang box na nandoon sa lamesa ko. I grabbed it at may note doon.
Morning boosters for you, Architect.
Tinanggal ko yung ribbon at nakita na chocolate brownies pala ang laman nung box. Dalawang dosena ata iyon!
Nagmadali akong lumabas dala yung brownies at nang makalapit ako kina Kai ay agad ito nag iwas ng tingin. Ganoon din sina Tristan at Vincent.
"Kanino na naman galing 'to?" Tanong ko sa kanila. "Baka may gayuma 'to, ah!" Biro ko pero wala pa rin sumagot.
"Nasaan na yung blueprint ko?" Tanong ni Kai.
Nakita ko na kinagat niya ang ibabang labi. Halatang nagpipigil ng ngiti. I gave her a sharp stare bago ko inabot yung blueprint na kinuha ko.
"Kapag ako nalason..." Nagbabanta ang tingin ko dito. "Ikaw sisisihin ko." Nilakihan ko siya ng mata at ganoon din ang ginawa niya sa akin.
Alam ko na walang magbibigay sa tatlong ito ng ganito sa akin. There is one person that I've been suspecting but of course, hindi pwedeng asumera.
Since Tuesday ay may secret admirer na ako na nag iiwan ng mga brownies sa lamesa. Ngayon lang nagkaroon ng note. I never take them home or eat them. Pinapamigay ko na lang sa mga worker dito sa site dahil hindi na ako ganoon kahilig sa chocolate.
"Engineer Enriquez," pagtawag ko kay Kai. "Report for the first week pf construction."
Tumango lang siya, busy sa trabaho niya. Today is supposed to be my day off pero since wala naman akong gagawin sa condo or sa bahay ay dumalaw na lang ako dito sa site. Mas maaliw pa akong makitang paunti unti naitatayo ang isang gusali na dinisenyo ko kaysa sa manood ng netflix sa condo.
Bumalik ako sa loob mg opisina para ilapag uli yung box ng brownies sa lamesa ko. I checked my phone first bago ako lumabas ulit at may mga message nga si Jas sa group.
janasphire: bukas sa the cove at okada :)
ysaraegan: may event ka bakla?
nalareyes: bsta libre ;)
janasphire: shut up! Oo libre ;)
janasphire: alrdy booked a table & if ever we need to stay for the night kaya niyo naman na yung mga cabanas.
samikayla: unli drinks?! Dapat!!
I laughed dahil parang ako lang nag alala sa iinumin namin. I brought my phone with me nang lumabas ako sa site.

BINABASA MO ANG
If the Waves Curve (Isla Filipinas Series #1)
RomanceIsla Filipinas Series #1 Mikel, a family pride, has a heavy load of pressure on his shoulders as he ventures on his path to be a doctor. His life twisted when he met a girl named Salena, he ought to protect her heart whatever happens until the waves...