"How about being my smiling wife?"
Nawala bigla ang ngiti ko at inirapan ko si Miko. Inambahan ko siya ng suntok kaya natawa ito.
"I'm joking," tumawa ito. "We'll take it slow," nakangiting aniya. Sobrang gwapo!
"Take it slow," I murmured. "Huling biro na 'yan, huh?!"
Nilakihan ko siya ng mata at tinutukan ng tinidor. Tumango tango siya at ngumiti ng nakakaloko. Napairap na lang ulit ako at sinimulan na kumain. At first he was just staring at me kaya binato ko siya ng tissue para tumigil at kumain na rin.
Napailing na lang ako.
Parang kailan lang ay ayaw na ayaw ko ang presensya nito. Hindi dahil ayaw ko siya makasama kundi dahil tuwing nakikita ko siya ay naalala ko ang nakaraan na hindi ko na gustong balikan.
Ngayon ay tuwing makikita ko siya, lalo na ang ngiti nito ay parang nagigising ang matagal nang natutulog na pag ibig sa puso ko.
Hays. Iba na 'yan, Salena.
After we ate lunch ay nag lakad na kami papunta sa SM Makati. Doon ko gusto mag supermarket dahil may rewards points ako doon unlike here in Landmark na wala.
"Wala kang balak bitawan kamay ko?" Tanong ko kay Miko habang nakasakay kami sa escalator pababa sa supermarket.
"None. Never will I let this go," he raised our hands and showed me how tight he was holding mine.
"Kapag binitawan mo..." Pinaningkitan ko siya ng mata.
"What?" Nakangising tanong nito.
"Edi binitawan mo," I shrugged before walking towards the entrance of the grocery.
Lumapit ako doon sa mga cart at nang kumuha ako ng isang malaking cart ay biglang binitawan ni Miko ang kamay ko. I glared at him.
"What?" He asked with humorous eyes and raised both of his cheekbones because of a playful smile.
Hindi ko ito sinagot at naunang maglakad. Iniwanan ko rin sa kanya yung cart dahil nilipat niya ang kamay niya doon. I heard a chuckle from behind me kaya lumingon ako at pag tingin ko ay tahimik na ulit si Miko at inosenteng nakangiti sa akin.
"Madapa ka sana," banta ko dito.
Karma made its way to me in an instant dahil natalisod ako sa wire na nasa sahig. Sinamaan ko ulit ng tingin si Miko nang marinig ko ang mahinang pagtawa nito. Hindi ko na ito pinansin at nauna na akong nag lakad para kuhanin ang mga bibilhin ko. He just stalked me from behind.
Lagay lang ako ng lagay ng mga pagkain sa cart at paminsan minsan ay nakikita ko na nakikilagay din si Miko sa cart ko.
"Ikaw magbabayad n'yan, ah." I pointed at the stuff that he placed in the cart.
"I'll pay for everything," he said and walked pass me to go to the counter.
"H-Hoy!" Agad ko siyang hinabol. "Iyong sayo lang ang sabi ko na bayaran mo," hinampas ko siya sa braso nang magsimula na siyang maglagay ng mga pinamili sa counter para bayaran.
He let out a small smile before continuing what he was doing. Hinayaan ko siya na maglagay ng mga laman ng cart sa counter habang ako ay nakaabang na doon sa gilid para iaabot ko na agad ang card ko.
"Ito po," inabot ko yung card ko doon sa cashier pero hindi niya iyon tinanggap.
"Nag abot na po si sir ng card kanina," nakangiting aniya at ibinalik ang card ni Miko. "Thank you for shopping."
Magrereklamo sana ako kay Miko pero pagharap ko dito ay mabilis niya akong hinalikan sa pisngi. Ilang beses akong napakurap bago ko siya sinundan ng tingin habang kinukuha niya yung tatlong karton ng mga pinamili namin.
BINABASA MO ANG
If the Waves Curve (Isla Filipinas Series #1)
RomansaIsla Filipinas Series #1 Mikel, a family pride, has a heavy load of pressure on his shoulders as he ventures on his path to be a doctor. His life twisted when he met a girl named Salena, he ought to protect her heart whatever happens until the waves...