Chapter 21

825 24 1
                                    

"Thank you, Ma'am! Iuuwi ko na 'to."

Inakbayan ako ni Nala at hinatak na ako palabas ng classroom. Natapos ko na yung mga exam at tapos na talaga ako sa 4th year college ko.

Ilang linggo na rin ang dumaan na hindi ko na kinakausap ng maayos si Miko. Nailibing na ang Mommy niya pero hindi ko nagawa na pumunta.

"Nandyan na naman si Miko," bulong sa akin ni Nala. "Ano ba talaga ang nangyari? Nakipaghiwalay ka ba? Alam ko yung away niyo ay yung nakita mo na hinalikan siya nung babae, bakit ganito kayo ngayon?" Magkakasunod na tanong nito.

Hindi ako sumagot at umiling lang. Naupo ako sa huling yapak ng hagdan at tumingin sa labas na makulimlim at nagbabadya ang pagbuhos ng ulan.

"Alam mo, ikaw lang din mahihirapan sa ginagawa mo." Sininghalan ako ni Nala. "Kung mahal mo talaga yung tao dapat kausapin mo at hindi ganyan na sinasarili mo yung mga nakikitang problema."

Naririnig ko si Nala pero walang nananatili sa utak ko dahil pasok at labas lang ang mga sinasabi niya sa pandinig ko. Tumayo si Nala at mabilis akong hinila palabas.

"Hindi ako love expert dahil 'di ko pa naman naranasan ang magmahal ng ganyan at ang mahalin ng ganyan. Pero sa tingin ko ay mas makabubuti kung kakausapin mo," asik nito at basta na lang akong iniwan doon sa tapat ng building namin.

Susundan ko na dapat ang kaibigan ko pero agad akong napatigil nang may humawak sa kamay ko. Alam kong si Miko iyon pero hindi ko ito nilingon at binawi ko lang ang kamay ko at nagsimulang maglakad palayo.

"Mika, please talk to me!" Narinig kong pagtawag nito pero hindi ako tumigil sa paglalakad. "Salena!"

Huminto lang ako sa paglalakad nang makarating ako sa tapat ng sasakyan ko. Alam ko na nakasunod pa rin si Miko kaya humugot ako ng malalim na hininga bago ko siya hinarap.

"Anong ginagawa mo dito?" May diin kong tanong.

"Why won't you talk to me?" Tanong nito at pilit akong hinahawakan sa kamay.

"Hindi ba sinabi ko na tama na," I scoffed and looked at a different direction nang maramdaman ang pangingilid ng luha.

"I don't want to stop, babe." Aniya.

Napapikit ako dahil sa tinawag nito.

"Hindi pa ba malinaw sayo na ayaw ko na? Hindi mo ba ako naiintindihan, Mikel?" Binigyang diin ko ang pagbanggit sa pangalan nito. Kita ang gulat sa mga mata niya na namumugto.

"Hindi ko maintindihan, ipaintindi mo." Halos magmakaawa na siya pero nanatili ang masama kong tingin.

"Nagpaparaya na ako, alam kong mas deserve niya ang–"

"Are you hearing yourself?" Nakakunot ang noo nitong tanong. "You are the one I love, bakit ba lagi mo akong tinutulak sa tao na hindi ko naman gusto?"

"Hindi ka ba napapagod?" Pinilit ko siyang tignan ng diretso sa mga mata. "Kasi ako napapagod na akong makita ka araw araw na nagkakaganito dahil sa akin."

"Kapag nakikita kita nawawala ang pagod ko, kaya please, let's fix this." Pakiusap niya at humakbang palapit pero umatras lang ako kaya tumigil siya.

"I don't want it to be fixed," napakagat ako sa ibabang labi ko nang bigla iyon lumabas sa bibig ko.

Hindi ko na siya hinintay na makapagsalita at mabilis na akong sumakay sa kotse ko at nagmaneho palayo. Nagmaneho ako papunta sa condo ko at nagkulong sa kwarto at doon ibinuhos ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan.

I cried myself to sleep not knowing what to do if I wake up. I want to end it but I can't say it.

I woke up when I hear someone ringing the doorbell of my condo. Saglit akong naghilamos bago ako lumabas para tingnan kung sino iyon. Nang makita na sila Ysa iyon ay agad ko silang pinagbuksan.

If the Waves Curve (Isla Filipinas Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon